Album

Lagusnilad (feat. Rastar Dee)


Isang Libong Taon
8th Messenger & Six The Northstar
Producer: Six The Northstar
2021

Intro:
Lagusnilad
Kulay na walang tinkad
Buhay kulang pambayad
Mukha na wala pangarap
Sagad sa buto ang hirap
Sakit na walang lunas
Mga hayop na ganid
Ang kamatayan
Lagusnilad

Verse 1:
Ito ang panahon
na masikip na sinturon
Kailangang bumuluktot
sa maiiksing kumot
Saan ang pagtitis
Ay dapat ibihis
Wag malihis
Walang puwang kung magmintis

Walang laman na simura
At laway kanyang tubig
mura ang almusal
Hapunang walang dangal
Gutom na tinatawid
karayom Sa sinulid
Magbabata ng paguusig
Hilahan sa dulo ng lubid

matatayog gusali
Sa mga daang hari
imburnal at pusali
Bumanga sa haligi
Unahan sa isat isa
Lamunin ng wlaang awa
Ang mahina ay mawawala
Matibay siyang matitira

Kapit sa patalim
Ganid at mga sakim
Pitik bulag
Piliin ang mga huwad
Bahag mg buntot
Duwag sa mga bangungot
Ulong mga pugot
Bitag sa kanyang sapot

Verse 2:
Sa hangin di nikikita
Sa paglago ng kaalaman
Panhon ng kawakasan
Taoy tatakbo ng paroot parito
O daniel isara mo ang salita
Tatakan mo ang aklat
Maging maingat ang lahat

Mga bilang ng at mga datos
Mga taong humahangos
Puntod at mga lapida
Pangalan ay magtatapos
Sa himpapawid
Radyo at telebisyon
naglalaro sapot
Telepono aplikasyon

Sa mukha ng libro
Ang salamin ng mamamayan
Boses ng mga tao
kalagayan sa paskil at litrato
pananaw at komento
Kuro kuro mga argumento
Bihag ng teklolohiya
Lipunan at ang masa

ang leeg sa garote
Walang kawad sa ere
Ang lason sa hangin
Isang panig sa usapin
Gapang sa silong
Takip bibig at ilong
Makipot lagusan
Masukal na daanan

Verse 3:
Baradong kalsada
Masikip na eskinita
Kalabog sa dibdib
Pilit na dinadaig
Ang kaba at takot
kaharap walang saplot
Hingay sumisikip
Sa mukhang nakatakip

Maitim na usok
Makapal na alikabok
Sa pawis na malapot
Sa ngiting may poot
Magarang kanyang bihis
Sa budhing marungis
Giring pulang puso
Anyo ng hunyango

Akoy sa lagusnilad
Ang hindi siyang katulad
Ang oo binaliktad
Sagot balik sa una
Ilaw patay sindi
Ang liwanag  ng gabi
Walang kuskos balungos
Sasabay sa agos

Walang maatrasan
Laban sa katapusan
Hila ang ataul
Tnging yaman sa baul
Ciudad sa kanyang palad
gamo gamong lumilipad
Matutupok man sa apoy
Sadyang di maitataboy



OTHER LYRICS

No Drugs In Heaven

Tell'em Once
Kartell'em
2018 Album

3:33am

3:33am
OJ River
2017 Single

Gang Gang (feat. Unotheone)

Sakred Boy
Hev Abi
2022 Album

Anting-Anting (feat. DJ Arthug)

Ginoong Rodriguez
Batas
2021 Album

Maggy (Baby ang alen?)

Wholesome
Andrew E.
1999 Album

FEATURED ARTICLES