Album

Lahat ay Ligaw (feat. DJ Arthug)


Ginoong Rodriguez
Batas
Producer: Batas
2021

Verse 1:
Wag kang kabahan, pumirmi ka lang diyan
Napakahaba pa ng madilim na daan
Kung di mo alam gagawin, eto ang tandaan
Tayong lahat baliw sa kung paano mang paraan
Kanya-kanyang sikreto pero minsan kita sa asal
May nasunod ng diretso, mayroon ding panay lang angal
Sa kada butas bakit parating solusyon ko'y pantapal
Mali ang lunas kahit pa na may matututunang aral
Sablay ba ang punto at kailan ba nagiging tama?
Mawalan ng loob na para bang ineembalsa
Ayan na pasuko? Brad isa lang paalala
Kahit saan pa sa mundo tangina walang pag-asa!

Chorus:
Lahat ay ligaw
Hindi lang ikaw

Verse 2:
Minsan man akala mong alam mo din lahat
Sa pag-dami ng alam mo, alam mong to'y hindi sapat
Kung lahat ng turo pre nasa mga aklat
Eh bakit may napupulot din sa twing nagkakalat?
Ha?! 
Kahit pa matang-lawin at paningin ay bente-bente
Mas lilinaw ang tanawin pag-utak nagsilbi na lente
Habang natututo maiisip at tatanggapin na pwedeng
Aabot ka sa puntong pipiliing mamuhay ng inosente
Kasi nakukuhang karunungan ang kalaban
Wala pala sa kalingkingan ating nalalaman
Kaya ayos lang mawala basta nandiyan ng harapan
Di baleng magkapaan sa dilim na parang nanggagapang

Repeat chorus

Verse 3:
Saan man papunta, petiks lang tsong
Mapa ibasura, dehin na yon
Ano ang ruta? Sa patay lang pwede tanong
Kahit mauna, yun din tiyak na destinasyon
Brad!
Ang pasan talagang gagaan pagtakpan to ng ngiti
Kahit saan ay parang tama na daan basta ayaw mo mag-bigti
Pero ito ang alamin pag-tantsahin puta sobrang tindi
Pasensya na ligaw ka din, minsan praning, kala mo lang hindi!
‘to'y madalas paalala, pakinggan mo maigi
Parang sira na plaka at wala kang masisisi
Kuha parin to malamang kahit pa ako'y mapipi
Kausap ko lang naman kasi ang aking sarili!



OTHER LYRICS

Ayoko (Yuridope)

Ayoko
Yuridope
2018 Single

Pasipsip Naman (feat. Eman and Third Flo)

Katibayan
Abaddon
2015 Album

No Ways (feat. Jess Connelly & CRWN)

Soully, Yours EP
Curtismith
2017 Album

Nahas

Deafening Earthen Tones
Calix
2020 Album

lie to me

questioning answers / answering questions
rhxanders
2018 Album

FEATURED ARTICLES