Album

Pagbalik


Mga Kahon Mula Bodega
Railkid & Six the Northstar
Producer: Six the Northstar
2021

Alas singko y medya
Ibaba na ang polo 
At ang tapalodo, ibaba medya medya
Batsi na karipas uwi
Dating gawi parang nung kolehiyo sakay agad sa jeep
Aral at bahay diyan umiikot 
Aking sinikap salamat sa pamilya ko na mahaba pasensya
Nang makatapos aking brinaso, lumagare nang patas
Para mayroong panggatong
Nakaka gawa na ng sariling fuego
Pagkat ako'y tumuklas nang maligaw sa pinaka magaspang na bato
Di nagpa impluwensya hindi papa dikta to boy
Dami nilang mga gang gang san na ngayon? Yoko na lang magsalita
Wag mo akong tabihan, para bugahan pakitaan ng yosi
Baka ako ay kapusin 'di ko ma pa abot sayo ang mensahe na..
Di ako self made, karangalan sa pamilya ko
Hindi din galing sa streets, rekta diretso aral ito
Kaya kung anong meron ako asikaso yan ng aking mga ugat
Tango sa salamin pagkat yumabong na aking mga dilig
Pwede ka sumilong
Maski wala kang dala
Ako pa may pabaon sayo basta pa usbungin mo yan sayong bilog
At pagkatapos mo dyan, umuwi na at huwag magpuyat
Wag pa pabulag sa bente kwatro oras na pag huhukay
Iyong i-pahinga ang buong katawan 
Para hindi ka ma pako sa krus tama na yung iyong pasan, (Yeah)
Ganito ko ilagak ang pag leletra
Maaring mayabangan ka sa'kin sa huli ako ang iyong aapiran
At oo nga pala, ayoko mag mura
Pagkat ang nais ko ay pag narinig mo 'to ikaw mag simula (Yeah)
Ayos ba yon? Pauwi na ako
Pabalik na ng rancho
Ang inyong lingkod
Pero teka muna pala...
Heto aking bodega
Inaanyayahan ko kayo makita kung pa'no ako mangasiwa



OTHER LYRICS

Mga Kababayan

Yo!
Francis M.
1990 Album

ACAB

Sun Of A Gun
Bambu
2013 Album

Nag-iisang Mundo

Ako Si…
Gloc-9
2005 Album

SMD (feat. Paul N Ballin)

SMD
O Side Mafia
2023 Single

B.A.D. (feat. P-Lo)

Sweet Nothings (Chapter 1)
Denise Julia
2023 Album

FEATURED ARTICLES