Single

Taya


Taya
Abra
Producer: Kena
2018

Verse 1:
Uy, ano ba? May nagawa ba akong mali?
Dati-rati, magkausap lagi araw-araw gabi-gabi
Nakakamiss na nakakainis
Anong nangyari bat ambilis?
Bat ka lumisan nang biglaan miss?
Nag-iba ba yung timpla nung napatamis?
Na masyado, naagrabyado
Malinaw naman na parang malabo 
Bat nagbago? Sayang naman oh
Akala ko makakatikim na ng panalo
Kaso di pa rin pala
Diba’t yang ang hirap sa pag-ibig?
Madaling maging tanga?
Di na ko natuto ang tigas ng ulo
Yan tuloy ambigat sa puso

Chorus:
Kahit na anong sabihin mo
Hinding hindi mo ‘ko malilito
Alam naman natin na hindi ka seryoso
Para san yang rosas na hatid mo?
Wala akong oras para dito
Sa habul-habulan at tagu-taguang 
Laro lang para sayo

Verse 2:
Kahit na mairita wala akong paki
Gusto pa rin kita ang ganda mo kasi
Walang katulad sarap kausap
Basta ikaw ako’y handang mapuyat
Nasa ulap ang aking mga paa
Sa isang sulyap ng iyong mga mata
Masisisi mo ba ‘ko?
Makasalanan oo pero masama bang mapaibig ang tao?
Sa isang anghel na tulad mo
Kalakip sa lobo ang sulat ko
Nagbabakasakaling makuha mo
At nagdarasal na sana ‘wag bumagyo
Natural at ang ganda ng ‘yong buhok
Umaraw, umulan, kumidlat, at kumulog
Kasi sa ingay ng mundong ito sayo ako’y payapa
Kaso may isang problema lang
Ayaw mo yata

Chorus:
Kahit na anong sabihin mo
Hinding-hindi mo ‘ko malilito
Alam naman natin na hindi ka seryoso
Para san ‘yang rosas na hatid mo?
Wala akong oras para dito
Sa habul-habulan at tagu-taguang 
Laro lang para sayo
(Kanina pa ako kumakatok pero wala pa ring sumasagot)
Para san ‘yang rosas na hatid mo?
Wala akong oras para dito
Sa habul-habulan at tagu-taguang 
Laro lang para sayo



OTHER LYRICS

The Distance

Bayani
Blue Scholars
2007 Album

Simmer

Third Culture Kid
NINNO
2016 Album

Bagsak

Koronasyon EP
Gnarrate
2016 Album

DI MO KAYA

HYPE ONE'S
Nik Makino
2022 Album

Call Me

JCON
Jess Connelly
2018 Album

FEATURED ARTICLES