Single

'Yokona


'Yokona
CLR
Producer: Shortone
2019

Intro:
Miss halika likas ang iyong aura
'Sing ganda mong mga nililikha kong metapora
Miss haliKa likas ang iyong aura
'Sing ganda mo'ng mga nililikha kong metapora (Whooop!)

Pre-verse:
Nakatitig lang sa blankong kwaderno
Nag-iisip kung papano ba punan ito
Lingid sa kalaman ng mga tao niyurakan
Na rin ako ng kalungkutan at pighati
Dahil sa mga pusong loko-loko (Whooop! Whooop!)
'Yokona muling mangyari yon (Hhhmmm, no, no)
'Yokona muling mangyari yon (Hhhmm, hhhmmn, no, no)

Verse 1:
'Yokona muling mangyari
Masakit nang balikan
Ang nakaraan 'gat maaari
Pananaw ko'y luwagan
Sawa na kong makulong sa misikip na gusali
Ngayong malaya na
Nagkaroon ng direksyon 
Bawat pag tapak dito sa lupa nung mapasakin siya
(Whooop!)
Lunas ng mahapdi kong puso ang dulot niya (Hhhmm...)
Sa mundong punong-puno ng katanungan ay siya lamang ang sagot
Kaya wag na sanang mawala pa (Hhhmm, hhhmm, hhhmmmn...)
Dahil mahirap na hanapin ang katulad niya 
Na parang bawal na gamot

Refrain:
Gayunpaman, andiyan siya parati
Gayunpaman ay, andiyan siya parati yah
Gayunpaman, andiyan siya parati
Pumukaw ng aking kamalayan sa pamamagitan ng kanyang mga

Chorus:
Labi, labi, labi
Hangang sa la na kong
Masabi, sabi, sabi
Pag-ibig nga ang siyang naghari
Kulang nalang ay pari
Kasama ko ang reyna
Umaga man o gabi
'Yokona maranasan yung
Dati, dati, dati...
Ayoko na
Kasi, kasi, andiyan siya parati
Kasi, kasi, andiyan sya parati
Kasi, kasi (Hhhmm...)

Verse 2:
'La nang ibang pipiliin pa
Hangang mamitak ang araw iisipin ka
Kahit na mamaos
Sumakit ang lalamunan hindi mag-aatubili na awitan ka
'Lina lapit ka, buo ang pasya
Na sayo ko lang ibibgay 
Ang natitirang tiwala ko na binasura na rin ng iba
Nakatitig lang sa blankong kwaderno
Nag-iisip kung papano ba punan ito
Lingid sa kalaman ng mga tao niyurakan
Na rin ako ng kalungkutan at pighati
Minsan man ako ay naging loko-loko (Whooop! Whooop!)
'Yokona muling mangyari yon 
(No baby, no baby, no baby, no baby)
Di sasayangin pagkakataon 
(Cuz im ready, im ready, im ready, im ready...)

Repeat refrain

Chorus:
Labi, labi, labi
Hangang sa 'la na 'kong
Masabi, sabi, sabi
Pag-ibig nga ang siyang naghari
Kulang nalang ay pari
Kasama ko ang reyna
Umaga man o gabi
'Yokona maranasan yung
Dati, dati, dati...
Ayoko na

Outro:
Miss halika likas ang iyong aura
'Sing ganda mong mga nililikha kong metapora
Miss halika likas ang iyong aura
'Sing ganda mo'ng mga nililikha kong metapora
Miss halika likas ang iyong aura
'Sing ganda mo'ng mga nililikha kong metapora
Miss halika likas ang iyong aura
'Sing ganda mo'ng mga nililikha kong metapora



OTHER LYRICS

The Inkwell

Blue Scholars
Blue Scholars
2004 Album

All Fuckin' Day

All Fuckin' Day
FCKND
2016 Single

Laklak (feat. Dong Abay)

G9
Gloc-9
2003 Album

Dello vs BLKD

FlipTop presents: Ahon 3
Various Emcees
2011 Rap Battle Verses

Malabampira (feat. DJ Arthug)

Ginoong Rodriguez
Batas
2021 Album

FEATURED ARTICLES