Verse 1:
Atin nang kulayan mga larawang ipininta
Wag kang magalala kung ang araw ay palubog na
Gagamitin kong maigi ang liwanag na natitira
Hinulma ng panahon, panahon na to para humulma
Ng mga gintong medalya, isang ibong malaya
Nililipad ng hangin, tinatawid dagat at lupa
Humupa man ang ulan hindi pa rin to hihinto
Sabay-sabay nating buksan itong napakalaking pinto (pinto!)
Kapatid kapit, alam kong nakakangawit
Tuloy ang awit parang rebolusyon dun sa Kawit
Tayo'y hahabol kasabay ng palo ng tambol
Wag na wag kang susuko, simula palang yan tol
Refrain:
Taglay ko na ang basbas niya kagabi
Di hahayaan na ako'y magapi
Nag aalab ang bawat sandali
Para sa mga pangarap na gustong makamit
Chorus:
Sige mag alab ka, sige mag alab ka, sige mag alab ka
Sa gitna ng karamihan magningning, magmistulang isang tala ka
Sige mag alab ka, sige mag alab ka, sige mag alab ka
Ang pangarap mong makuha'y darating, ipakita mong may laban ka
Verse 2:
Namuhay na alamat sa mata ng iba
Minsan na nadapa pero hindi nagiba
Extra ordinaryo daw pero di siya iba
Mainit man malayo pero di niya ininda
Kasi ito ang tadhana ng isang kampyon
Sumusuong gaano man kasama ngayon ating panahon
Patuloy mong gawin at isabuhay ang panata
Bukas may nakalaan sa ating gantimpala
Hey! Wala nang oras para kumampante
Hey! Pinoy matalino ka't madiskarte
Hey! Wag kang matakot umabante
Kunin natin ang mga ginto't dyamante
Repeat refrain
Repeat chorus
Bridge:
Ang dilim ng kalangitan
Pero tila ba ang hangin binubulong na kakayanin yan
Bawat ihip, lalong umiinit, liwanag ay satin ay sumisilip
Nakakapasong, tatlong bituwin at isang araw
Repeat chorus
Outro:
Sige! Sige! Alab Pilipinas!
Sige! Sige! Alab Pilipinas!
Sige! Sige! Alab Pilipinas!
Alab Pilipinas! Alab Pilipinas!