Verse 1:
Pagkasapit ng dilim doon mo kami makikita
Tangalin mo ang piring, alisin ang mga muta
Na kasing laki ng mga duda mo tuwing
Nakikita mo kaming nagpapakita ng galing
Sa loob ng ilang minutong pinapanood
Di sila nakatayo kasi tila paluhod
Ang tugon sa tagal mong naghintay don sa pila
At gutom at hindi na nag-ingay kasi tila pabulong
Verse 2:
Puno ng usok ang isipan sa ulo nagsisiksikan
Mga ideya na mababaw
Ngunit malalim pag tinitigan
Madalang di maintindihan ng pangkaraniwan
Subalit tutuloy padin ako sa kulturang nakahiligan
Ginagamitan ng puso
Bawat tusok ng tinta sa papel
Hindi nakikiputok sa uso
Sariling istilo lamang ang baril
Magkakaiba tayo ng punto
Hindi tayo magkaka lebel
Kaya takits na lang sa dulo
Sa taas ng tore ni Babel
Verse 3:
Tumabi tabi kasi
Kami ay parating na parang apat na tangke
May kusa kaming bumitaw di na kelangan ng landi
At kahit na yan ay hilaw, wala ng balak tumanggi
Kasi nga kami ay gutom
Kakainin nakahain kahit kanin na tutong
Panalangin ko ngayon ay tulad din mula noon
Marating namin tuktok ng walang butas ang gulong
Verse 4:
Long hair with my fists clenched
Snatch you outta existence
I been blessed and I been cleansed. Baryo Berde til I get rest
No threats in my business
In this saga I’m a menace
A first impression is useless in the final introduction
An eruption when we show up, we blowin up the function
It’s a puncture to the ego, now you ready for consumption
We guerillas, ready to fight, ready and steady rippin the mic
Ready to fight, ready and steady rippin the mic, game