Album

Kumusta Ka Na


Pilak
Gloc-9
2023

Chorus:
Kumusta ka na?
Miss na kita
Lahat ng mga napagdaanan natin, tanda ko pa
Oh, kumusta ka na?
Kay tagal na
Ikaw pa rin ba yung katulad noon?
Kumusta ka na?

Verse 1:
Kumusta? Kay tagal nating hindi nagkita
Parang ala-sais ng gabi, anong balita?
Sumasakit ang tuhod, kaya mo pa bang sumipa?
Baga na bakal pero nagkaroon din ng hika
Naaalala mo pa ba noong nananaginip ka?
Nang gising, humiling sa tuwing mag-isa
Magaling, magaling, 'yan ang sabi nila
Bituwing maningning ay mabibilang ka
Pero pa'no? Batang probinsyano
Di naman ako pinanganak na areglado
Pero tinaguyod kami kahit na papano
Ni nanay at tatay na ginawang bus ang eroplano
Hanggang sa pinili ko ang rap nang walang pagpapanggap
Hindi galing tate ang cap kaya di ako matanggap
Parang trabaho na inaplayan, naglalakad sa Morayta
Pare, hip-hop ba 'yan? (Hip-hop)
Ang gusto kong gawin aking binantayan
Kahit natutulog ay inasinta ko 'yan
Mga sinilungan at mga natambayan
Kung meron mang nalampasan ay ating balikan
Ating balikan

Repeat chorus

Verse 2:
Hiram na sapatos at damit, maluwag o masikip
Ang madalas na bago lamang sa akin ay gupit
Paulit-ulit, sige, tawagin mo 'kong makulit
Kahit na sungitan ay nananatiling mabait
At magalang sa kausap, opo, sige, okay lang
Kahit ang kapeng pinapainom sa'kin, matabang
Tula na isinulat, matagal na pinaghandaan
Ako na po ba? Kaso lang, minamaya-maya ka lang
Dagdagan ang diskarte kasi kulang ang pamasahe
Talagang malas kasi nakatapak pa ng tae
Kung kapos ang 'yong baong pera pati pantalon
Limang-daan lang ang kinita mo sa show, ayos lang yun
Tapos swelas ay nganga, galingan mo kulang pa
Mas sikat sila at magaling, marami pang iba
Di nagpatinag kahit ano man ang sabihin nila
Ang nasa bulsa ay ako lang ang may dala-dala
Gusto kong maging binantayan
Kahit natutulog ay inasinta ko yan
Mga sinilungan at mga natambayan
Kung meron mang nalampasan ay ating balikan
Ating balikan

Repeat chorus

Outro:
Kumusta ka na? Miss na kita
Ako nga pala si Gloc, naaalala mo pa ba
Ang lahat ng mga napagdaanan natin noon
Mula dekada nobenta hanggang umabot ngayon
Dos mil bente tres, bumagal ang mabilis
Kahit payabangan mo, ako'y 'di na maiinis
Di na sumasali sa debate, wala nang interes
Sa usapan na kung sino ang the best (Hip-hop)



OTHER LYRICS

LEECHES

LEECHES
FUSR
2019 Single

Red Planet

Flight School Era
Just Hush
2018 Album

Bugaw

True Story Mixtape
Row 4
2015 Album

No Filter

No Filter
Mo Zart
2019 Single

Luvburn

Luvburn
Karencitta
2018 Single

FEATURED ARTICLES