Verse 1:
Pasado ala sais nung ako ay pumasok
Sinamahan ng ngiti para hindi ako matakot
Biglang pasok ang lungkot paguwi may dalang pagod
Walong oras na trabaho tapos kulang pa yung sahod
Kaya kahit nakatapos sa abroad nalang ang tungo
Di lahat ng nahuhuli basta nalang na susuko
Ito ay parang kaning basta mo nalng isusubo
Na iluluwa mo, kapag ang dila mo'y napaso
Walang kaso sa pagsubok nasayo lang ang paghubog
Wag matakot na mabasag o makatapak ng bubog
Dahil puso't isip dapat sayo lagi ang umiral
Kaya tayo may guro para tayo ay magaral
Hook:
Sikap, lahat ay mahirap
Di mo makukuha yan sa isang iglap
Dahil ang pangarap ay palaging nandyan lang
Nasayo lang kung papano mo gagawan ng paraan
Ang mga bagay sa mundo
Mga iniisip ng tao
Kaya hahahay gawin nalang makulay ang buhahay
Hahahay gawin nalang makulay ang buhay
Verse 2:
Papikit pikit doon sa may tabi
Baka pwedeng paabot yung mainit na kape
Papasok ng maaga ginising ng dalaga
Tapos may halik pa 'ko sa pisngi
Ibang klase talaga pag inspirado ka
Wag ka mahiyang kumanta kahit sintunado ka
Isipin mo nalang na titolado ka
Sa harap ng mga tao na mapanghusga
Ganun talaga ang buhay ay madaya
Subukan mong lumaban gawin mo tong malaya
Parang ibon na lumilipad sa alapaap
Tapos ang kayakap mo sa buhay ay pangarap
Hook:
Hahahay gawin nalang makulay ang buhahay
Hahahay gawin nalang makulay ang buhahay
Ang mga bagay sa mundo
Mga iniisip ng tao
Kaya hahahay gawin nalang makulay ang buhahay
Hahahay gawin nalang makulay ang buhay