Verse 1:
Ikaw ang aking mahal
Lahat ay akin nang isusugal
Kahit medyo nauutal
Ang mata ang patunay
Na ikaw ang kumulay
Dito sa mundo ko kaya gusto ko pang mabuhay
Lahat ay aking gagawin
Wag ka lang mawala
Halika't liparin
Palasyo natin dalawa
Magkayakap magkasama
Walang inaalala
Basta kasama ka ramdam ko lagi ay ginhawa
Walang pakialam sa iba
Bahala na sila
Kahit siraan ka nila
Mahal pa rin kita
Hindi maniniwala
Sayo lang humahanga
Itong aking kanta
Para sa tulad mong dalaga
Repeat chorus
Verse 2:
Matamis na ngiti
Ako ay kinikiliti
Hindi mapakali
Pag ikaw ang aking katabi
Wala akong kahati
May reyna na ang hari
Sana totoo teka teka muna sandali
Ako na ba'y nahihibang
Sarili ba'y nililibang
Naghihintay ng araw o siguro ay nagbibilang
Sapat na ba 'ko para dapat na 'kong magtapat
Ayaw kang biglain baka masira lamang ang lahat
Nagdadalawang isip
Ayokong sumisingit
Nakangiti sa gilid at sayo ay nakatitig
Nang tumingin ka sa akin
Ako ay nahuhulog
Bigla lang ngumiti
Diyos ko di na makatulog
Outro (2x):
Hanggang dito nalang ba ang mga 'to
Ayokong manatili nang ganto