Verse 1:
Tadhana'y nagbiro, pinagtagpo pero pinaglayo
Away bati, hindi na tayo magkasundo
Puro sigaw nalang palagi at wala nang yakap
Nag iisip nalang ng pagkakamali ang hanap
Laging binabalik ang mga dating pagtatalo
Parang pusa, parang aso, wala nang pagbabago
Hampas dito, hampas dun, hanggang kailan to matatapos
Preso ng nakaraang di makaalis sa gapos
Pag magkasama tayo mga dati inuungkat
Mga tapos na kwento na, pilit pa ding binibuklat
Mga dating sugat na naging peklat ay iyong tinutuklap
Hindi na 'ko makasabat sa dami ng iyong sumbat
Imbis na hawak ang kamay, halik sabay akbay
Tamang hinala, jusko dai, ang paliwanag ko'y sablay
Laging ikaw na lang ang tama, ako laging mali
Ngayon ang ating relasyon saan nga ba mauuwi
Chorus:
Kahit na hindi kita maintindihan
Di to dahilan para ikaw ay aking iwan
Ikaw lamang ang aking pinapangarap
Mga plano at galaw gusto ko'y kasama ka pang habang buhay
Verse 2:
Tuwing galit, umuusok ang ilong
Ibang klaseng magtanong
Kung mataya taya man 'to ako ay laging balagong
Tsong, mukhang nagkamali ang bunga
Dulot ng maging kami, pasakit na sa tuwina
Sa paguwi ng bahay, palaging inaamoy
Daig pa ang mga bumbero kung san galing ang apoy
Kakaiba kung mag isip, siyento pursyento ang hinala
Mapang husgang pag ibig, walang hustisyang tiwala
Si Kupido, mali yata ang puso na pinana
Imbis na pana ay mukhang sibat na ang tumama
Sayong dating kasintahan ay wala akong panama
Pero ako ay umaasa sa pagibig na hiwaga
Matatawag bang martyr kung ganito ko magmahal
Kahit na saking pagtulog, parang may sumasakal
Laging ikaw nalang ang tama, ako laging mali
Ngayon ang ating relasyon, saan nga ba mauuwi
Repeat chorus
Post-chorus:
Paulit ulit nalang ba
Ang gusto mo na madama
Di ko alam kung ano ba ang dapat na gawin
Upang mabigay sayo ang gusto mong pagtingin
Verse 3:
Tinanggap nang pikit mata ang selos mo at duda
Dalawang tenga ko'y takip sa bawat bulyaw mo at mura
Bibig ko ay sarado nang wala nang pagtalunan
Tanggap kong ako'y mali, nang wala ng pag usapan
Nakalipas ay naaalala tuwing nabubulunan
Mga pasiya at disisyon, lahat ng to'y tinututulan
Walang kaso at atraso na hindi mo hinatulan
Ayos lang na mangulungan basta huwag lang maputulan
Sinulid na nagdudugtong sa ating dalawa
Pag nagmahal ka ba nang tunay, okay magpakatanga
Pag nagtaas na siya kilay, kasabay ko ay kaba
Nangangahulugang ang gera ay mag uumpisa na
Sayo'y wala akong tinago, naging tapat palagi
Tunay nga ba 'kong mahal, sayong ganyang pag uugali
Kala ko ay totoo, mukhang mali nang pakiwari
Puso ko'y biglang nahati na ginamit ay lagari
Repeat chorus
Repeat post-chorus