Album

Puyat (feat. Ron Henley)


Hit The Spot
Rjay Ty
Producer: Yung Bawal
2017

Chorus:

(Rjay Ty)

Mata'y mulat hanggang sumikat ang araw

Pangarap ay sumikat balang araw

Ligaya ang dala, liwanag ang taglay

Ilawan ang kadiliman hanggang sa mga mata'y

(Ron Henley)

Mata'y pungay hanggang sumikat ang araw

Pangarap ko lang sana'y marating ang ibabaw

Ligaya ang dala, liwanag ang taglay

Ilawan ang kadiliman hanggang sa mga mata'y

 

Verse 1 (Rjay Ty):

Singkit at papikit na susulat pa ng letra

Makabagong propeta dating ng aking pwersa

Kahit pa antukin sa dilim ay hinding hindi ma

Papatulog hinubog ng bilog na buwan ang dila

Matalas kung humiwa, madalang tong humina

Madalas sa kusina mas malakas tong sumipa

Hindi nga? Ang ayaw maniwala eh di huwag

Bawal ang sabit patungong langit aming paglipad

‘hit hindi kitang nilalakarang hagdan

Di parin papapigil sa bawat hakbang

Hahanapin ang tamang daan, tatahakin di tatantanan

Di maiisahan lalong bibilisan tiis lang at malalampasan

Ang hirap may ginhawa, lungkot may ligaya

May awa ang Diyos sa kanya'y magtiwala

Sa bawat pagsubok ay merong pagasa

Tuparin ang pangarap pagbangon sa kama

 

Repeat chorus

 

Verse 2 (Ron Henley):

Bumigat at panandalian kong maisara

Baka sakaling makasulat ng isa pa

Nung nasagap ng tenga ang tunog ng trumpeta

Sunud-sunuran sa bagsakan parang buntot ng kumeta

Umapaw ng salita kahit kulang sa pahinga

Binuklat ko yung pahina, bumukas yung makina

Pero utak piniga ko pa, makuha ko lang yung timpla

Nagdagdag ng sago sa gulaman naging puto sa akin ang kutsinta

Mga manok na naka-two-piece pa nagiging paniki nakikipagtalik

Sa oras kung saan ang lahat ng lansangan bibihirang magtrapik

Pinutakti ng bubuyog ang nasusunog na bulaklak don sa may halamanan

Nilanghap nila'y usok na lumulunod sa buong pamayanan

Pagtingin ko sa kalangitan iba ang ngiti sa akin ng buwan

Marahil may araw nanaman daw na dapat abangan

Binigyan tayo ng tig-bebente kwatro oras

Nanghiram ako ng apat na pu’t walo babayaran ko bukas kaya

 

Repeat chorus

 

Bridge (Yung Bawal)

 

Verse 3:

(Rjay Ty)

Luminaw at di na muling lalabo pa

Paano ba naman kasi ay alam ko na

Ngayon kung ano ang tamang paraan ng pagtancha

Respetong iniiipon parang mga pisong umaapaw sa

(Ron Henley)

May alkansha bago ako nagka-

Ron ng buo dumakot muna ko ng katakutakot na barya

Rinig ko ang mga tawa ng lamok

Tsismisan ng mga gamu-gamo kaya di ako dinadalaw ng antok

(Rjay Ty)

Pero kahit pa ganun na ang pabaon ng tadhana

Hinding-hindi sususko sumumpa sa mga tala

Madapa’t masugatan man ang mali ay itatama

Lahat ay posible pasasalamat kay Bathala

(Ron Henley)

Palakad-lakad sa tabi gabi-gabi di mapakali

Nakikipagtitigan sa kisame pakape-kape ka pa kasi

Bagong gising yung iba ako'y pahiga palang sa unan

Don ko nakuhang mailagay ang agahan sa hapunan

 

Repeat chorus

 

Outro:

Yatpu nanaman, yatpu nanaman, yatpu nanaman, yatpu!

Yatpu nanaman, yatpu nanaman, yatpu nanaman, yatpu

Yatpu nanaman, yatpu nanaman, yatpu nanaman, yatpu!

Yatpu nanaman, yatpu nanaman, yatpu nanaman, yatpu-yat!



OTHER LYRICS

Celebrity Status

Hue For Ya
Sica
2021 Album

Walang Maiiwan (feat. Calix)

KOLATERAL
KOLATERAL
2019 Album

Rani Mukerji

Cinémetropolis
Blue Scholars
2011 Album

Someday

CIRCA91
Ruby Ibarra
2017 Album

Lumilipad

Stratus Mixtape
Ives Presko
2012 Album

FEATURED ARTICLES