Verse 1:
Hoy dapat maaga ka nang matuto
Anu bang dapat maisaulo
Pag sa aberya, biglang mapasubo
Ay tila barya, may pugot na ulo
Dapat harapin ang tunay na buhay
Dapat alamin peke sa tunay
Kung mag maasim, huwag kang maumay
Pagkat ikaw rin ang siyang mag huhukay
Ng iyong libingan kung pakay ay luho
Sa tinitirikan marami ang tuso
Pag pilitan ay merong tutulo
Luha o dugo mamimili ang puso
Wag kang umabuso kung di ka lalaban
Wag ka magturo ng 'yong nalalaman
Di uso ang puso sa bawat digmaan
Nagturo na nguso lamang ang yayaman
Halika sa mundong di tumatagal
Ang indibidwal na hindi susugal
Ito ang mundong lahat natural
Bawal ang kabado at nauutal
Halika sa mundong, walang basehan
Di na mahalaga kung may abilidad
Ito ang mundong, ginagalawan
Ang tawag ko dito ay reyalidad
Chorus:
Talaga ba na wala kang makita
Kung sinong salarin
Hayaan mong silawin
Ka ng araw umalis ka sa dilim
Reyalidad
Reyalidad
Verse 2:
Maraming kulang sa tugon
Yung iba'y pagapang para bang lumalakad na pagong
Kamalayan nasasayang kadalasan nahuhulog sa malalim na balon
Katanungan, kasagutan di makitang kalayaan nauwi lang sa tanong
Ang lipunan na madaya ang payapa sa pag laya di makuha
Kayamanang humuhupa nagmistulang amoy lupa na sa kuta
Kamahalan tinapakan niyurakan karangalang taga upa
Lumalapit ka't naakit, napahawak sa pasakit
Nabubulag nasisilaw napakit ka sa karit
Kamatayan lang nakadagit
Minamata namanipula may sugat na tangan sa mga mata
Markado sa isip kalmado dala
Payapat tahimik malayang katha
Dala dalang mga tula kuna may kayang mang gising
Ng tinig may himig na ibig na dapat mapalaya
Pumupukaw sa tulog mo na diwang bumabangon sa kahapon
Di na pwede ibaon sa kahon
Wag palamon tumalon sa balon
Banayad na agos ang aking hangad
Na maging malawak ang kapasidad
Markadong sa isip maling hinayag
Ang maging malaya sa mundo'y bayad
Repeat chorus