Intro:
Uh, uh, uh
Verse 1:
Puso ko'y manhid, ba't biglang naging kabado?
Alam kong alam mo na, kontrabidang barumbado
Handa na kong tanggapin, kung sayo ako'y malabo
Magsuot ng salamit, paningin ay magbabago
At handa akong magbago at ikaw ay susundin
Bigay mo sakin oras mo ikay susunduin
Kung ano ang yong gusto agad-agad kong bibilhin
Lahat ay sobra-sobra basta 'di ka lang bitin
Pre-chorus:
Sa'yo nakatingin, hanggang sa kiligin, ako ay tanggapin
Lahat tutuparin, lunod na sa pag-ibig sana ako'y sagipin
Sa balon, libo ang hinulog para hilingin ka lang
Gagawin ko ang lahat ngumiti ka lang
Mga mata parang diamante na kumikinang
Wala ko'ng takot pero bat ako naiiilang
Isa kang dyosa di ka ordinaryong nilalang
Chorus:
Sakin ka na lang, sakin ka na lang
Akin na ang puso mo kung sasayangin lang ng iba
Sakin iba ang yong halaga, ang sasabihin ng iba hindi mahalaga
Sakin ka na lang, sakin ka na lang
Akin na ang puso mo kung sasayangin lang ng iba
Sakin iba ang yong halaga, ang sasabihin ng iba ay hindi mahalaga
Verse 2:
Sana ay masulyapan, lagi kang tinitignan
Lahat aking hihigitan, kung akoy pagbibigyan
Alam ko na madami dyan, baka may magustuhan
Mahaba man ang pila sisiksik ako sa unahan
Kahit pa pigilan, hindi ka titigilan
Karamihan, taas hanggang baba ako titigan
Pagsabihan na dapat lang nila ako easyhan
Kasi baka sa huli meron silang pagsisisihan
Pre-chorus:
Sayo nakatingin, hanggang sa kiligin, ako ay tanggapin