Single

Sakuna


Sakuna
Plazma
Producer: KMG
2024

Verse 1:
Ilan na nga bang mga kometa ang dumaplis sa planeta?
Mahaba ang karera pero natapos din ang pandemya 
Samu't saring mga gera, puro pagdanak ng dugo
Ganunpaman, patuloy lang ang pagikot ng ating mundo
Daming mga sakit na kumakalat at hindi pumepreno
Swerte natin at merong mga gamot na naiimbento
Sunod-sunod na bagyo ang puminsala pero nakakamangha
Dahil nakakayanan pa rin nating makaahon sa baha
At ayon sa mga hula malapit na daw ang katapusan
Ilang taon na ang nagdaan, mangyayari pa ba yan?
Nagputukang mga bulkan, mga lindol na biglaan
Pero meron pa rin tayong mga tinutuluyang tahanan
At buti hindi pa tayo nasusunog kapag tag-araw
At ang problema lang tuwing tag-lamig ay maginaw
Daming beses na natin inakala na tayo ay lulubog
Swerte nga ba talaga tayo o mas grabe yung susunod?

Chorus (2x):
Mga pare kampay! Dahil buhay pa rin tayo
Mga pare kampay! Dahil tuloy lang ang mga plano
Mga pare kampay! Dahil nandito pa rin tayo
Pero pano kung lahat ng ito'y bigla nalang maglaho?

Verse 2:
Pagkatapos ng mga nangyari ano na nga ba ang kwento?
Eto, ang dami pa rin sating hindi makuntento
Kasakiman pa rin ang madalas na pinipiling disenyo
Di baleng makasira ng buhay basta merong negosyo
Nananatiling alipin ng politika kahit konsomisyon
At nakalimutan maging makatao dahil sa relihiyon
Isasarado ang utak sa ngalan ng paniniwala
Balewala ang lahat basta namumuhay nang maginhawa
Inaabuso ang teknolohiya, sinisira ang kalikasan
Ngayon eto ang mga tanong na dapat ninyong pag-isipan
Pano kung sa atin na mismo tumama ang kometa?
Pano kung may dumating na mas malala pa sa korona?
Pano kung bawat bansa na ang madadamay sa digmaan?
Pano kung may bagyo na lulunurin ang sangkatauhan?
At dahil pabago-bago na ang klimang nararansan
Pano kung tayo'y masunog o maging yelo kinabukasan?
Pano kung may bagong sakit na hindi na malulunasan?
Pano kung may lindol na guguho sa lupang tinatapakan?
Akala mo ligtas ka na, pero ang pinaka masaklap
Sa isang iglap ay posibleng mawala ang lahat

Repeat chorus

Outro:
Oo buhay pa rin tayo, buhay pa rin tayo
Oo buhay pa rin tayo, buhay pa rin tayo
Oo buhay pa rin tayo, buhay pa rin tayo
Pero pano kung kinabukasan ay hindi na?



OTHER LYRICS

Pisi (feat. Ron Henley and Drich)

Pisi
K-Leb
2018 Single

Up Down (Step & Walk)

DU4LI7Y
Ez Mil
2022 Album

Homies

Homies
Southeast Cartel
2014 Single

Migpasayelo (Downtown Drill) (feat. LK)

Migpasayelo
Hev Abi
2022 Single

Late Night

Late Night
BXGrey
2018 Single

FEATURED ARTICLES