Single

Subok Lang


Subok Lang
Gloc-9
2024

Chorus:
Laban pa ba subukan natin na kamadahin
Ang mga letra na sinulat ko
Tunog na aking inihain
Di pa madami
Ang siyang dumudura ng ganito
Ngayon ay nandiyan na sila
Nakakatuwa
Tila nag bungang mga tanim na punla
Kaya pa kaya na aking magawa
Kahit isang subok lang

Verse 1:
Hindi mo naisip na makakagawa pa ako ng kanta na halos hindi ka na makahinga
Tuwing nadidinig mo ang mga sinasabi palaging madaming dala dala mula sa kabila
Bata na dumayo galing ng malayo
Hindi man nanalo'y garantisado na tatabo sa huli
Baradong lababo sino ang ganado 
Kapag delikado'y di alanganin di nag aatubili
Na lumapag kapag rumekta mga salitang lumalatay pag kumunekta
Sa mikropono'y may kakaiba ka na pwesra 
kahit di nakasanayan ang salitang get high
Lumipad kasi sinipagan ang pagaspas
Nilabanan pinakamalalas na lagaslas
Nagpakilala hanggang sa pangala'y nagasgas
Makatang mahilig na pumaspas
Tubong Binangonan napunta sa QC
Matinis na boses tila sumigaw na Bruce Lee
Dilang madulas parang may WD40
Kumusta ka na sabi ko palaging mabuti
Kasi ang galing napapraning
Sabay iling pag ako na ang tumalak
Parang di ka nagkakamali, tumatahi
Ginagapi kataga na lumalagapak
Sa tagal ng panahon na dumaan
Di ko na binilang ang sugat na tinalupan ng langib
Kahit na subukan nating balikan
Pipigilan ang sarili ko na sa akin ay bumilib
Mawalang galang na sa mga walang tiwala maniwala ka wala akong hindi itataya
Pagkat wala namang laman ang bulsa ko nung umpisa nito baon ko'y higit pa sa isang salita
Walang dapat ikahiya

Chorus:
Laban pa ba subukan natin na kamadahin
Ang mga letra na sinulat ko
Tunog na aking inihain
Di pa madami
Ang siyang dumudura ng ganito
Ngayon ay nandiyan na sila
Nakakatuwa
Tila nag bungang mga tanim na punla
Kaya pa kaya na aking magawa
Kahit isang subok lang
Ngayon ay nandiyan na sila
Nakakatuwa
Tila nag bungang mga tanim na punla
Kaya pa kaya na aking magawa
Kahit isang subok lang



OTHER LYRICS

Alapaap

Alapaap
Illicit
2014 Single

Basic (feat. Mhot)

Basic EP
Shanti Dope
2022 Album

Buti Na Lang (feat. Mcoy Fundales)

Talumpati
Gloc-9
2011 Album

Hiwagang Nakatago Sa Mata

Hiwagang Nakatago Sa Mata
Space Impakto
2016 Single

Tagay

Tagay
Quest
2017 Single

FEATURED ARTICLES