Album

Meron Na


Meron Na
Loonie
Producer: Yung Bawal
2023

Yeah
Sa wakas meron na
Tapos na ang pagtitiis
Alam ko naman na marami nang mga naiinip at naiinis
Pasensya kung maraming mga extra curricular activites
Daig ko pa ang nag-seminaryo sa tagal ko nang hindi nagre-release
Kamusta, Philippines?
Medyo matagal-tagal na rin nung huli akong naglabas
Binuro na ng panahon, kahon-kahon na ang mga katas
Hinahabaan pa ang intro
Walang pakialam sa mga diss niyo
Lalong-lalo na kung galing lamang sa mga nakikisilong sa malawak kong anino
Wasak ang mga ego na maangas at pabibo, na akala mo kung sino
Natapatan sa talino
Pinapahinto ko ang algoritmo, siguradong milyon bawat bagong video
Isa na 'kong Senior parang Santo Niño
Paborito mong rapper, ako ang paborito walang halong biro
Tinaguriang "Hari Ng Tugma" sa mga computer shop
Sa'kin pa rin ang korona kahit magpa-booster shot
Ang aking estilo ay merong sariling etiketa, mag-ingat sa imitasyon na binebenta
Bersikulong sinulat akala mo nireseta
Tinapos ng isang upuan parang bisikleta
Marami akong mga ataol na nireserba
Para sa mga rapper na utak may dipirensya
Habang ang mga tira niyo ay aking dinededma
Isipan niyo naman ay libre ko na nirerenta



OTHER LYRICS

Puso Ng Siga

FreeMan
Francis M.
1995 Album

Kung Tama Siya (feat. Jaq Dionisio)

MKNM: Mga Kwento Ng Makata
Gloc-9
2012 Album

Kala

Kala
Kris Delano
2018 Single

Muling Mang Harana Part II (feat. Curse One)

Walking Distance
Smugglaz
2015 Album

Target vs Badang

FlipTop presents: Unibersikulo
Various Emcees
2012 Rap Battle Verses

FEATURED ARTICLES