Album

XXXX (feat. Hev Abi)


Meron Na
Loonie
Producer: Jim P
2023

Chorus:
Nasa'n ka kaya? 
At ang linya ko bukas
Kung ano mang masabi ko nadulas
Lang ako 'pagkat naaalala ka
Nais sana kitang tawagan baka lang maabala ka
At ang bawat sandali natin kahit masakit
Nagdadalawang isip pakawalan
At maya't maya naaalala ka
Nais sana kitang tawagan baka lang maabala ka

Verse 1:
Paumanhin, nais lang naman kitang kamustahin
Merong bang bago sa'yo? 'Eto ako, gano'n pa rin
Ilang araw na 'kong lasing
Kahit pulang kabayo, 'di na ako kayang patumbahin
Kahit ilan pa tunggain
At sa tuwing ikaw ang topic, sensitibong usapin
Kahit puso'y duguan sinubukang apurahin
Hindi ko na inaasahan pang tuluyang gumaling
Ang mga naglangib na sugat na muling tutuklapin
Laging kulang sa pansin sa tuwing ako ay abala
Kasi 'di mo 'ko maangkin nung tayo pang dalawa
Oh, gano'n ba talaga? Tsaka ko na lang nadama
Ang tunay mong halaga nung wala ka na
Ngayon parang tangang nagdadrama
Inaalala ang mga araw nung tayo'y magkasama pa
'Di makahanap ng iba baka mahal pa rin kita
Nakahiga nang mag-isa sa'king kama at nagtataka

Repeat chorus

Verse 2:
Paumanhin, 'di ka malimot kahit anong gawin
Apoy ng pag-ibig natin tila naging abo na rin
Habang meron pang baga, 'wag mo munang apulahin
Umaasa na sana ang mahal mo ay ako pa rin
Ngayon naging lalaki na dating ako'y takot maging
Uuwi nang maaga, 'di na magsisinungaling
Nag-iisip ng paraan kung pa'no ka kumprontahin
Nagtataka kung pa'no ka kokontakin
Pagkatapos mong lumisan
Hinahanap-hanap mga piraso ng pagkatao kong naiwan
Pagkatao lang din minsan (Minsan)
Natutuksong tumawag para makipagbalikan
Kaso busy na 'yung line, tinitiis ko ang ginaw
At ang lumbay nakakamiss, 'pag kini-kiss mo ng goodbye
Sunog na nga ba ang iniwan na tulay?
Umaasa na ang katanungan din sa isipan mo ay

Repeat chorus



OTHER LYRICS

KMT (feat. Eunice Jorge)

Liham At Lihim
Gloc-9
2013 Album

Life & Debt

Blue Scholars
Blue Scholars
2004 Album

Para Sa Streets

Para Sa Streets
Hev Abi
2022 Single

Over Shadows (feat. Latent Labrats)

Ordinary Lives
Rayneman
2018 Album

Neo-Manila (feat. BLKD)

KOLATERAL
KOLATERAL
2019 Album

FEATURED ARTICLES