Pats:
Pano sumali? Pano ba sumapi?
Yan ang tanong ng nagbabakasakali
Na maihanay sa tunog at ingay
Ng pangkat na may tatak na tunay
Husay at talento, makulay kong iniimbento
Ang alpabeto sa kwaderno at merong omad na katerno
Walang preno ang presko na presong asta
Pag pasok sa kuta ng nakapwesto
Takot ang puta, singlambot ng pusa
Utak ay nabalot ng poot at duda
Payo na seryoso, maging magkasing-tayo ay malayo
Sobrang pulido ng sipa ko, solidong nalasing ko yung pulang kabayo
Nag-abalang magbabala sa bulaan
Bubula ng kusa ang bibig pag nahulaan
Di mo na kailangang, umilag sa sinag
Kung alam mo namang di ikaw ang tatamaan
Hatid ko'y katuwiran at abiso
Palawakin ang isipang tagos sa mundo
Kaibigan di na to basta pasahan
Basagan nadin to ng bungo
Marc Mamuric:
Ito ay abiso sa mga taong nandyan lang sa bilog
Para bang hero, pero atake nila patalikod
Tulakan lang pero merong naniko
Buti nalang madaling makalimot
Baliwala, ngunit iho na bibo
Wag nyo na balakin pa dito mang ipot
Akala mo sino, mabuti kalmado dahil sa nahigop
Maraming lumutang pag sisid sa ilog
Biglang nagsulputan ang mga naipon
Na supot, kinilo at puro basura
Ang mga nakuha't napulot ko dito
Talangka na kapwa ko Pilipino
Nabulag ang utak sa piso at libo
Pats:
Sangkatutak ang sugat buhat sa balikat
Mabuti na lang at merong kaakibat
Berde na baryo tahanan ng sipag
Pwedeng idayo o san man malipat
Ang daming nang-irap sa aming pagsikat
Umaming mahirap pag di ka nagsikap
Subukang idilat, masukat pagsipat
Na di papatinag kahit pa matulak
Marc Mamuric:
Dyamante ginto, tanso man o pilak
Lahat ng ito ay aming agimat
Handang hakbangan daan na puro bitag
Matapang pagkat naturuan umilag
Ang aming pangkat ay merong bandilang
Palaging dala at ito ang sagisag
Maraming may balak sa amin manghila
Problema, malabo nyo kami mabihag