Verse 1:
Lunes ng umaga papuntang opisina
Habang nabibingi sa ingay ng mga busina
Sa gitna ng kalye, habang bumibiyahe
Sakto lang ang pera, pangkain, at pamasahe
Tipikal na buhay ng pinoy araw-araw
Kailangan ko itong gawin, di pwedeng ayaw-ayaw
Dahil ang bulsa ko ay di pa napapaapaw
Sana kahit paano, ako ay makahataw
Pursigidong umangat, inuunti-unti ko
Matipid na iniipon, ultimo sukli ko
Bilad na nga sa araw ang pagka-kayumanggi ko
Balat kakulay na ng tuhod ko saka ng siko
Pero tuloy sa paglayag, tuloy sa pagsagwan
Para ang bulsa saka ang aking tiyan ay malagyan
Kahit na ang aking sweldo parang mens lang
Tatlong araw lang tinatagal nito kada buwan
Chorus 1:
Araw-araw, paulit-ulit, hanggang sumapit ang gabi
Araw-araw, paulit ulit, bukas ay ganun muli
Araw-araw, paulit-ulit, hanggang sumapit ang gabi
Araw-araw, paulit-ulit, bukas ay ganun muli
Verse 2:
Pambayad ko sa upa, tubig, at kuryente
Sa ngayon tuyo na lang mabibili nung bente
Pagkasyahin kung pwede o meron natira
I-sigang ko yung tuyo, para medyo maiba
Ang pambayad ng matrikula dapat itabi ko na
Sa ganitong estado na mahirap i-manipula
Bawal ba magpahinga?
Dapat na gawin ko na
Pumasok kahit petsa
Sa kalendaryong maging pula
Kasi ay double pay, ganun pag holiday
Kayod kahit mamuti buhok na parang anime
Isipin ang ngayon, yung bukas ay saka na
Kung bukas ay lagas o baka maging sagana kaya sana
Medyo mag-iba ang kapalaran
Mapanatag ang lubak sa daang nilalakaran
Ang buhay ko ay parang libro lamang na sa bawat pahina
Paulit-ulit-ulit ang mga larawan
Repeat chorus 1
Bridge:
Araw-araw halos lahat ng kayod ginawa
Kung paulit-ulit ay nakakapagod din pala
Bisyo ko na yata ang palaging humiling
Mula pagsikat ng umaga, hanggang sa dumilim
Araw-araw halos lahat ng kayod ginawa
Kung paulit-ulit ay nakakapagod din pala
Bisyo ko na yata ang palaging humiling
Mula pagsikat ng umaga, hanggang sa dumilim
Pero pagsapit ng gabi, lumiliwanag nang muli
Basta ikaw ang katabi nasisilayan ang ngiti
Inaalis mo ang lungkot, ang pagod ko at pighati
Pinawi mo ng kay dali kaya...
Chorus 2:
Araw-araw, paulit-ulit, ngayon wala na kong paki
Bawat araw, sinusulit, basta ikaw ang katabi