Verse 1 (Ron Henley):
Di na ko makapaghintay
Makatulog, managinip
Hawak ang iyong kamay
Sa may sulok, sa may gilid
Ang ibig kong sabihin ay
Di man kita maabot
Pero pag ako ay
Nakahiga tayo ay nagpapantay
Mata sa mata, ilong sa ilong
Bibig sa bibig
Mga halik sa leeg
Kasabay ng mga kanta na
Nakakakilig
Ang sarap makinig
Habang dumidila ka pababa ng dibdib
Pababa sa lugar kung saan ay liblib
Sa lakas ng huni ay sumasabay pati ang mga kuliglig
Ako’y atat na atat na sapagkat nalulungkot ang inyong lingkod
Sana magpakita ka na pag di ka sumipat nako po hindot!
Alam mo bang kung ang laro ay taguan ako ang laging taya
Hinahanap-hanap kita di kita matagpuan nasan ka kaya?
Busog ang lahat ng buwaya kasi ika’y makalaglag matsing
Kaso matigas ang iyong leeg sa katulad ko, di ka namamansin
Sana ang pag-ibig ay katulad ng pamasahe sa jeep, sa trike, sa bus, at sa tren
Kahit na buo ang binibigay mo sana kahit papano may sukli ka parin
Chorus (Muriel):
Mga kamay ko ay nalulumbay
Di makapaghintay
Mahawakan ang sayo
Mahawakan, mahawakan ang sayo
At ang labi ko ay nangungulila
Sana nga ay madampian ng iyo
Ng iyo, ng iyo
Madampian ng iyo
Verse 2 (Ron Henley):
Di na ko makapaghintay
Makatulog, managinip
Sakaling makaakbay
Sa may sulok, sa may gilid
Walang mga matang nagbabantay
Tara humiga ka sa aking tabi nang tayo ay magpantay
Nagbabasahan ang mga utak
Tila nagpapasahan ng mga sulat
Takpan man ng mga ulap
Buo pa rin ang pangungusap
Ng mga matang nangungusap
Sa init ng ating katawan daig pa ang disyerto
Ang malamig na silid at presko panandaliang naging impyerno
Kahit saan ang pwesto, tuloy parin ang kwento
Masigabong palakpakan pagkatapos ng konsyerto
Sago’t gulaman, Gin Pomelo
Saging con Hielo, isang model, isang Kuneho
Magkakaiba man pero swak pareho
Sa mundong ‘to terno tayo ng kulay
Magkasalungat sa tunay na buhay
Ikaw yung orig na nahalo sa ukay
Ako yung prutas na naakit sa gulay
Buti nalang wala kang kasama
Pagkakataon upang makilala
Bago ko lang matuldukan
Subukan nating simulan sa comma…
Repeat chorus
Ron Henley and Muriel:
Ako’y atat na atat na
Ako’y atat na atat na
Ako’y atat na atat (madampian ng iyo)
Ako’y atat na atat na
Ako’y atat na atat na
Ako’y atat na atat (madampian ng iyo)
Verse 3 (Ron Henley):
Di nako makapaghintay, malalim na ang gabi
Makunat na ang tinapay, malamig na ang kape
Di na mapakali, nandyan ka na ba?
Dalian mo naman para mahaba ang oras nating dalawa
May usapan tayo alas-dose wag kang makalimot
Wala ka sa tulay ng San Juanico, wag kang magpakipot
Punuan man ang puso mo wala sanang magalit
Handa akong sumabit ayos lang kahit mangawit dahil…
Repeat chorus
Outro (Muriel and Ron Henley):
Wag na nating ipagpabukas pa, gusto ko sana ngayon na
(Ako’y atat na atat na, madampian ng iyo)
Wag na nating ipagpabukas pa, gusto ko sana ngayon na
(Ako’y atat na atat na, madampian ng iyo)
Wag na nating ipagpabukas pa, gusto ko sana ngayon na
(Ako’y atat na atat na, madampian ng iyo)
Wag na nating ipagpabukas pa, gusto ko sana ngayon na
(Ako’y atat na atat na, madampian ng iyo)