Verse 1:
Nakaupo sa sala
Di mo maatim na tinanggal ka na lang nila
Dalawampung taon ka sakanila nag paka-tanga
Nagpaka-aliping kay haba-haba
Di parin sapat sa tyan mo ang dalang biyaya
Maghapon kang sinisigawan ng iyong asawa
Habang dala ang iyong kambal
Wala na raw hapunan
Pumasok sa isip mo ang imahe ng ampunan
Ang barubal na imahe ng masukal na kangkungan
Marami kang gusto sa buhay di mo ma-atim
Hanggang nagbago ang kulay ng puso, na kasing itim
Ng budhi ng mga amo mong walang konsensya magnakaw
Sa kaban ng bayan, di alin langan ang sikat ng araw
Pero hindi, sabi nila
Sobra sa yaman ang pilipinas
Sabi ni Ted
Sabi ni Noli
Sobra sa yaman ang pilipinas
Sabi ni Mike
Sabi ni Arnold
Sobra sa yaman ang pilipinas
Sa Rated K, tinuturo na
Sobra sa yaman ng pilipinas
Hook:
Puttanesca
Naka handa na
Pambobobo ng madla
Naka naka handa na
Verse 2:
Hala
Tignan mo to?
Nasa simbahan ang mga lobo.
Habang suot ang balat, pinaslang na kambing
'kala mo kurdero ng diyos
Tang ina nyo
Pag masdan nyo
Tunay na kulay ng mga gago
Mga nabubulok na, na ngangamoy na
Inaamag at inuuod
Pero
Bakit nyo binoboto mga katulad nila?
Sino nga ba talaga ang tunay na tanga?
Ilang dekada na ngunit nakaupo parin sila
Wag ka ng mag tataka kung bat ka nag hihirap?
Saan nga ba patungo?
Kailangan ba talaga na merong saatin mamuno?
Di ba pwede na tayong lahat taga-simuno
Ng naidudulot
Imbis tayo'y nakaluhod, kawawang namumulot
Ng tiratira
Mula sakanila, tayo'y tuwang tuwa
Pag inaabutan ng konting moolah
Mga alipin ng pera
Nagpapaka alipin para lang makabili ng puttanesca