Single

Buhay Ng Gangsta (feat. OG Sacred and Braduzz)


Buhay Ng Gangsta
Hukbalahap
2008

Verse 1:
Pumasok ng gangsta sa edad kong 14 years old
Tinanggap ko 13 seconds massacre mata'y blindfold 
Halos sumabog ang shoulder tiklop ko parang folder
Hindi naman soldier, pero ang war is not over
Akin burn ay forever nasa magkabilang daliri
Mga tusok ng karayom marka nang nananatili
Alam kong mali, pero buhay ko ko dito naging makulay
Bala ang alay para sa aming mga kaaway
Ang mawalay sa minamahal ako'y nakahanda na
Matiyempuhang kalaban ang edad ihihinto na
Pero teka muna, ito ba'y katotohanan
Mabigat na katanungan ano ba pinaglalaban
Nang dahil ba sa gang ang buhay mo'y sasakripisyo
Kahit alam mong hahantungan kulungan o nitso
Ang peligro at banta sa buhay namin ay likas
Bawat luhang papatak bala ang katumbas

Chorus:
Gusto mo ba na sumama
Sa mundo na madrama
Na may halong lungkot, at saya, at may kaba
Bala ang pang tubos sa sala ng iba
Ang kaligtasan sa isa't isa inasa
Yan ang buhay ng gangsta
Yan ang buhay ng gangsta
Buhay ng gangsta

Verse 2:
Lagi na lang umiinit ang aking ulo
O para bang gustong pasukin ang lahat ng gulo
Ang punlo lumalabas pag pumutok na ang baril
Ang pagiging G sa kalsada yan ang aking papel
Ako ay laging gigil kaya't minsan napapasabak
Sa away ng iba kaya't heto't napapahamak
Pero pag hinahamak umiiral na ang poot
Kundi suntok may tutumba na lang sa isang putok
Heto na ba ang sagot para masabi lang na G
Hindi ko to pinili pero bakit nagsisi
Ang tulad ko paano kung kunin mo na ako
Sino na lang ang tititngin sa mga maiiwan ko
Kaya't nagsusumamo pakinggan aking dalangin
Ang tamang daan ay ituro mo sa akin
Nang akin pang makita pag bukang liwayway
Darating ang oras kamay ko nang kumakaway

Repeat chorus

Verse 3:
Mula noong 1998 buhay ko dito na ginugol
Dose anyos ang laro sa mga lespu magpahabol
Naging kakaiba ang pananaw sa kaedaran
Pinagarap na lahat ng gang ay mapang ibabawan
Habang di naalintana ang mga tao'y lumipas
Tumandang walang tinapos tila nagsayang ng oras
May mga tropang nangulungan at ibang di na lumutang
May mga nagbuwis ng buhay at naging pambayad utang
Ngunit tinuloy ko pa rin ang laban hanggang makilala
Ang pangalang O.G Sacred parang mayor ng Manila
Hinawakan ang corchera, permanent, at ugbo
Tunay na ninong ng Velasquez at Roxas sa Tondo
Nakipagsabayan sa mga hamon, humantong man sa patayan
At walang tigil na putukan ang ganti pag nalagasan
Ngunit isang katanungan ang naglalaro sa isip ko
Ito ba ang buhay na dapat manahin ng panganay ko

Repeat chorus



OTHER LYRICS

A Million

Stratus Mixtape
Ives Presko
2012 Album

FATAL ERROR II

FATAL ERROR II
Tus Brothers x Slow Dee
2019 Single

Bahala Na

FreeMan
Francis M.
1995 Album

Catch Em All

Catch Em All
Ankthen Brown x Alex Ominunu
2016 Single

Armas pagka-garahe

Mga Kahon Mula Bodega
Railkid & Six the Northstar
2021 Album

FEATURED ARTICLES