Verse 1 (K-Ghetto):
Mga kabataan, ano iyong laban?
Demokratikong bansa, pero tama ba ang daanan?
Sa panahon ngayon, kinalimutan na si Rizal
Mga walang disiplina, parang mga animal
Ang laki ng binayad para sa iyong edukasyon
Imbes na pumasok ang iba'y nanginginom
Oras ng review, babad sa PC o sa TV
Pero alam mo na sa huli ang pagsisisi
Bayani'y nagbuwis ng buhay, ang sukli ay ano?
Duda sa kapwa tao, sabog ang prinsipyo
Kung alam ni Rizal, sana'y di nagsakripisyo
Kung di sa tulong niya, kaw parin ay isang Indio
Pero ang kabataa'y hindi ko naman nilalahat
Para lang ito sa ibang nagkakalat
Sa mabuti't marangal, salamat sa inyo
Sapagkat tayo ang makabagong Pilipino
Hook:
Unti-unting pinapatay
Ng kanser ng lipunan
Ang pagunlad ng ating bayan
May magagawa ka pa, kaibigan
Huwag hayaang lumala
Habang maaga'y lunasan
Verse 2 (Bang Bus):
Banyagang impluwensya ay 'di maiiwasan
Ngunit parang pagiging pilipino ay nalilimutan
Na ng kabataan-ang henerasyon ngayon
Muling hukayin ang sarili sa pagkakabaon
Lahat gustong makatakas mula sa kahirapan,
Iligtas ang bansa sa paglubog sa kailaliman
Gumagalaw ka ba? Saan ba ang 'yong patungo?
Hindi lahat ng bagay dapat iasa sa pinuno
Mga pangarap ni Rizal para sa ating bayan
Unti-unti naaagnas pano nang kinabukasan
Hindi ba't tayo yon? Tignan ang iyong sarili
Bago manisi ng iba at magtuturo ng mga daliri
Hindi pa huli ang lahat sa pagbabago
Palayain ang isip mula sa pagkakabilanggo
Ikaw at ako, ang lakas at pagasa
Ikaw at ako, ang lunas sa sakit ng masa
Repeat hook (2x)