Album

Diploma


Diploma
Gloc-9
2007

Intro:

Ang pangalan ko'y Aristotle Pollisco

Nag-aral sa Binangonan Elementary School

Nagtapos sa mataas na paaralan ng Morong, Rizal

Nag-aral ng kolehiyo, nagtigil

Nagpatuloy ng dalawang taon ngunit hindi po ako nakatapos ng aking pag-aaral

 

Verse 1:

Mula pa nung pagkabata ako ang siyang kinukutsa

Sa tambayan ng mayayabang na may laman ang bulsa

Habang ang mga katulad ko'y pinipilit na makaahon

Laging laman ng mga tawanan kailan ba makakabangon

Sa mga panghuhusga na kanilang mga mata

Pinilit kong hindi lumuha sa harapan ng iba

At ginamit ang mga pangit at kahit yan ang sinapit

Ay di ko mapapayagang tuluyan akong malait

At maubusan ng lupang aking pwedeng tapakan

Aking pwedeng lakaran, aking pwedeng tamnan

Ng mga binhing sa kalaunan ay aking pwedeng maani

At aking pwedeng masabi minsan ako ay naghari

Sa palasyo ng pangarap na aking inaasam

Walang nakahadlang kahit na may pasan pasan

Sa bawat letrang sinulat halika ika'y sumama

Sa kapirasong papel na tinuturing kong diploma

 

Chorus (2x):

Siya ay si Gloc-9 taga Binangonan, Rizal

Isang makatang naririnig sa kahit saang lugar

At kahit di nakatapos ng pag-aaral halika

Ang tula kong ito ang tinuturing kong diploma

 

Verse 2:

Isang kapirasong papel na pinahiran ng tinta

Parang larawang ginuhit na ginamitan ng pinta

Ng isang pintor, na inalay ang bawat araw sa buhay

Upang ang damdamin kanyang mailarawan ng tunay

At kulay na ang puhunan ay laging patak ng pawis

At ang kapalaran ay nakasaad sa mukha ng bayaning inihagis

Kara o krus ganyan ang buhay ng mga katulad namin

Mga salitang namulat binuhat sagad sa damdamin

At handang hanapin at hamakin ang nang masabi ko na akin ang

Araw na narinig ang mga sinulat kong salitang

Musmos pa lamang ay dinadalangin

Maranasan ang palakpakan kasabay ng hangin

Ayokong magtunog mayabang sa awitin na to

Pero sabihin mo sa akin kung sino pa sa larangan na to

Bukod sa taga Antipolong iniidolo ko

Wala na sigurong sasabay sa awiting kong ito kasi

 

Repeat chorus (4x)



OTHER LYRICS

Halik Sa Hangin

Halik Sa Hangin
Abra and Ebe Dancel
2014 Single

Inday (feat. Cathy Go)

MKNM: Mga Kwento Ng Makata
Gloc-9
2012 Album

Three Stars And A Sun

FreeMan
Francis M.
1995 Album

Kamatayang Kapakipakinabang

Industriyalismo
Emar Industriya
2016 Album

Walang Iba (feat. $ho)

Yours Truly
Kris Delano
2024 Album

FEATURED ARTICLES