Chorus (2x):
Magkaiba ng patutunguhan
Na magkasama sa isang bangka
Sino ka, sino ako
Tayong dalawang bahagi ng barya
Anino mo ang salarin kaya naging bulag lang ang testigo
Ikaw ay ako mismo ang bumasag ng espejo
Verse 1:
Ipakita mo sakin ang anyo
Para lubos kang makilala
Ilabas mo ang Oro
Na sinasabi nilang Oromata
Isa ka bang higanteng isda
Na hindi kaya ng abrelata
Kaya sumasanib ka sa katawan ko
Para mabuhay ang iyong obra
Anong silbi ng iyong eksistensiya
Kung pikit mata ka sa katotohanan
Pag nangangamoy utal ang kalaban
Dun ka na nagbibingihan sa entablado
Isa ka lang sa pinapalakpakan ng karamihan
Pero anino mo lang ang panahuin pag ito ay inilawan
Samakatuwid
Gusto mo palagi na mayrong nagdurusa
Lalo na't may bunto't pusa
Lumitaw ka nalang ng kusa
Pag naka amoy ng saling pusa
Para sayo'y matamis na ubas
Halakhak pay may lumuha
Iniwang bitbit na itim na rosas
Hindi ko nais maging ikaw
Pero nais mong maging ako
Tipong nakaantabay lang ang kutsilyo
Sakaling magbibingkisan ang pulso
Dapat ihambing kay Apolinario
Gawing mautak na lumpo
Papabaunan pa kita ng globo
Para magkaroon ka ng sarili mong mundo
Repeat chorus
Verse 2:
Bat mo ba ako pinapangalaran
Hindi mo pa ba ramdam
Ako ang kasalungat ng iyong akala
Hindi ito agham
Baka nakakalimutan mong hindi ako ang nagpumilit
Nung minsa'y ginustong mong lumabas sa kahon ng iyong pag iisip
Pinutol mo ang kadena saking kabaong
Kahit alam mong pinagbabawal
Ginawa naman kitang hari
At nanatili akong kawal
Kapalit ng pagmamahal
Pagkat ito'y naging sagabal
Mga bulong ng obra't aral
Sa halip na mabuting asal
O ano masaya ka na ba sa pinupulot mong barya barya
At sa mga tinuturing mong kaibigan nasa huli kanya kanya
Kasi kung tutuusin kaya kong tapusin sa isang kisap mata
Wag mo lang tubusin ang pagkataong malapit nang marimata
Kasi kung pagtutuusan ng pansin
Isa ka lamang dakilang alila
Ako ang nagmamay-ari sa hiram mong halang na dila
Mga naghihilom na sugat kaya kong gawing sariwa
Ako ang kabaliktaran ng sinasabi mong salitang mahina, mahina