Album

Game Over (feat. Aspac of 3rd Dimension)


It's My Turn Now...
Target
Producer: DC Clan Music
2010

Verse 1:

Diba dinurog na kita? Pumutak ka pa pala

Ngayon tapos ka sakin rapper na parang saba

At wag kang mag alala hindi gaanong brutal

Paano ka naging rapper magsalita ka ay utal

Masakit pa sa buntal ang birang walang kagaya

At ang to feel mo nilalapa ka ng buwaya

Di mo nga ako kinaya paano mo ko nadaig?

Eh para kong tinatapakan ang mukha mo sa sahig

At walang nakikinig sa mga basurang kanta mo

Habang ang mga kanta ko ang soundtrip sa lugar ninyo

Di bat yun ang totoo ang kanta mo hindi matikas

Baklang bakla ang yung dating parang si Ogie Diaz

Nagpapakitang gilas ang tabachoy na hikaen

Nag-aangas ka pa sa bahay niyo walang makain

Pano mo pauupahin iba aking bangis

Itatapon na kita kasi matagal ka nang panis

 

Chorus:

Wag nang pumalag..

(Kasi game over na, game over na, game over na)

(Hey!)

Wag nang sumalag..

(Kasi game over na, game over na, game over na)

(Hey!)

 

Verse 2:

Walang kwenta mong kaalaman dito mo na ipusta

Dahil lahat ng yung sinulat dito din matutusta

Ang kaya mo pang ibuga homeboy ay aking kalkulado

Ibig sabihin bawat bitawan mo sa akin ay barado

Eto di pa pwersado anak ka ng kuwan

Kung magsulat ka ng lyrics isang verse isang buwan

Sabi mo maanghang ka parang sili sa Albay

(Uy ang lupit, ang bangis rapper si bay)

Ang banat mo matamlay parang batang kumukurot

Pag nagsuot ka ng bahag boy mukha kang Igorot

Kahit ka mag suot na damit na pormal

Pag nasa stage ka na unggoy mukha kang abnormal

Kung ikaw kapitang del bario pwes ako gobernador

At sa larangan mong napili ako din ang birador

Pag trip ko nang bilisan kung walang awatan

Sa mga banatan kung tatapatan gigilitan

Na kita ngaun at babalatan

 

Repeat chorus

 

Bridge:

Mga espesyal na tao lang ang inaalayan ko ng kanta

At espesyal ka sakin hinding hindi kita ipamimigay

Kasi...

 

Verse 3:

Sa laro natin na 'to ikaw ang aking laruan

Dahil trip kong mag alaga ng unggoy na turuan

Yung aking kukutusan kapag ako ay banas

At aking pagtritripan tuwing ako ay gubas

Ang lakas ng yung loob na sakin bumangga

Eh para lang kitang alipin hinahataw ko ng tingga

Di mo to masasangga kasi tanga ka at lampa

Sa inakyat kong lebel hindi ka makakasampa

Sabihin mo kung kulang pa pwede ko pang dagdagan

Yung tipong sampung pison sa dibdib mo nakadagan

Pabilog ang katawan, maliit ang binti

Sabi nya siya'y magaling ang sagot ko hindi

Kahit ikaw ay nakaporma at ako'y naka-pambahay

Pag tinabi ka sakin boy mag mumukha kitang alalay

Di pa ako tumutudo wag masyadong nerbyoso

Pero simulan mo nang magtago kapag ako ay sumeryoso

 

Repeat chorus

 

Outro (2x):

Kasi game over na, game over na, game over na



OTHER LYRICS

Mood

Mood
Al James, Muric
2022 Single

Ulapaap

Ulapaap
Row 4, P. Town Pirates, and Roco
2018 Single

Hindi Susuko (feat. Kean Cipriano)

Hindi Susuko
KJah
2019 Single

B.I.

Diploma
Gloc-9
2007 Album

For The Love

IDEAL
Curtismith
2016 Album

FEATURED ARTICLES