Verse 1:
Dalawampu't apat na taon na ako ngayon
Marami ang nagbago, sakin at sayong ina-asikaso
Bakit ba ganon, kailangan mag-trabaho
Hindi nako murang edad, iba na aking mga prayoridad
Lakad na muna sa tama na ruta, bago ako lumipad
Yan ang payo sa akin, laging magsipag
Buhatin mo yan ano man ang bigat
Madami mang harang dapat lampasan
Labanan mo lang at wag kang masindak
At ako ay tiyak na mauubos rin ang mga suliranin satin
Kahit pa pulikatin, aking ihahakbang at tahakin
Hangarin, palawakin ang kaalaman, palayain ito at pakawalan
Palakarin, paganahin para laging mataba at malaman
Ang utak kong talagang palaban, halata nyo naman
Handang makipagbangayan, makipagbasagan ng aking bungo
Kung yun lamang ang tanging paraan
Mahangin na ba diyan?
Ayoko na masyadong mag-yabang, baka sakali pang mabansagan
Pagbigyan nyo nalang, handog nyo na yan
Pakinggan nyo naman ang tunog at laman
O busog ka na ba? Bakit parang hindi pa bawas aking handa?
Masyado ka yatang kinain nilamon ng aking kanta
Verse 2:
Maraming iniisip, ngunit kahit papano
Aking nasisingit mga plano para saking hilig maka halo
Ipipilit ko pa lalo, lakas ng loob ang dala
Katas ng dugo ay iba, lagpas ng mundo ang buga
Wag ka na magtaka, sa taas talaga ang punta
Hakbang pasulong, wag yung paurong
Kagatin mo lahat kung ikaw ay gutom
Ipihit ang isip wag mong ikulong
Pakinggan mo lang positibong bulong
Upang payapa't buhay humaba
Tayo'y bumuti't sungay bumaba
Hindi madaling iwasan ang mali
Kaya pilit kong tinatama
Tinamaan nanaman ako tuloy
Pinabaga lahat ng mga apoy
Sinasagap positibong enerhiya
Negatibong nakapila'y tinaboy
Halika dito hoy, tikman mo lahat
Ang sarap ng sangkap at rekado
Magustuhan nyo lang ay masaya nako
Kahit walang matanggap na regalo