Verse 1:
Kahapon na ngayon, bilis ng panahon
Wala nagkaroon, bago nang taon
Iba't iba ang uso na pantalon
Pag araw na ng puso ang pana ay baon
Hindi ako nag-aral, bawal ang sumuko
Pag internet mabagal, nag-aalburuto
Bigla nalang uminit, tayo'y maglangoy
Gawa tayo ng bonfire, malaking apoy
Punta ka sa gubat, akyat sa bundok
Higupin mo ang ulap 'pag naabot mo ang tuktok
Sa araw na ito, naloko din kita
Bakit ka nandito? Sinong nag-imbita?
Dami nang pagkain, nakahain sa mesa
Mas maingay pa kami sa perya sa fiesta
Grabe sa pagod, tara magpahinga
At wag makalimutan pasalamat sa Ama
Chorus:
Tapos na ang umaga, lumipas ang tanghali
Sa oras ng hapunan, dumungaw na ang buwan
Tapos na ang umaga, lumipas ang tanghali
Sa oras ng hapunan, dumungaw na ang buwan
Verse 2:
Umpisa ng pasok, tapos na'ng bakasyon
Hanap kalayaan, ang tanging ambisyon
Pasok ka sa bahay iwas sa ambon
Pag-iyak ng ulap may halong emosyon
Respeto ko sayo at sayong relihiyon
Dahil sa sakripisyo nasa langit ka ngayon
Wag mong pilitin kung ayaw sumabay
Tayo ay buhay sa araw ng patay
Pakinggan mo ang musika kalat mga tao
Tanging nasa isip kung magkano pang-regalo
Oras na isulat mo ang gustong pagbabago
Ipaglaban na mangyari matupad ng mga plano
Repeat chorus