May bagong MC Spotlight! Ngayon, mas makikilala natin ang singer, rapper, at producer na si FEIFEI.
Bilang emcee, hindi mapagkakaila ang husay niya sa pagsulat. Kaya niyang mag-rap tungkol sa samu’t saring mga pinagdaanan sa buhay, mula sa usapang relasyon hanggang sa mga political na isyu. Maliban diyan, nakilala din siya sa eksena dahil sa galing niyang kumanta at paggawa ng beats. Isa siya sa pinaka versatile na artist ngayon at unti-unting dumarami ang mga taga hanga niya.
Ating kilalanin ang musikera na si FEIFEI. Ano ang nagtulak sa kanya para tumugtog? Sino ang mga impluwensya niya? Interesado rin ba siya sa battle rap? Yan at marami pang mga tanong ang sasagutin niya dito sa pagbabalik ng MC Spotlight. Huwag na natin pahabain pa. Magsimula na tayo…
1. Kailan ka nag simula mag rap?
I started rapping when I was a kid. Pero rapping was deemed weird for younger kids especially girls kasi may maturity standards ang hiphop. I never stopped listening to hiphop until when I started producing other genres in high school and going out to gigs as a sessionist. During those times I felt like I was being left out sa hiphop but I'm glad I managed to pick it up again.
2. Ano ang kwento sa emcee name mo na FEIFEI?
Nickname ko siya tsaka when people call me this, gusto ko kasi may hint of endearment.
3. Meron ka bang nirerepresentang kolektibo? Ano ito?
N/A
4. Madalas ay pinaghahalo mo ang pagrap at pagkanta. Ganito na ba ang stilo mo nung nag-simula ka?
Hindi. Marami akong na-explore at na-master na subgenres before going back to my roots (hiphop). I can proudly say that I'm a well-rounded musician dahil hindi ako nakakahon sa paulit-ulit na structures sa music.
5. Maari mo bang ibahagi sa amin kung ano-ano na ang mga nilabas mong proyekto?
Sa ngayon FEIFEI lang talaga ‘yung personal project ko.
6. Ano ang konsepto ng EP mo na "KOIGIRL"?
Plugg music inspired by plugg hiphop producers like Pierre Bourne, MexikoDro, StoopidXool
7. Ano ang proseso mo sa pagsulat ng kanta?
I try to come up with melodies first before writing. I write over demo instrumentals since I produce my own music. I explore different flows and cadences na babagay sa personality ko and then record agad ng demo to avoid forgetting my ideas.
8. Ikaw rin ang gumagawa ng beats mo. Ano ang nagsilbing inspirasyon mo sa pag-produce?
My biggest inspiration is Mura Masa. Sobrang versatile niyang producer which I aim to be.
9. Ano ang iyong top 3 na album (local at foreign)? Nakatulong ba ang mga ito sa pag-gawa mo ng mga kanta?
Yes, nakatulong ‘tong mga albums na ‘to sa pag-build ng personality na gusto ko para sa music ko moving forward.
Top 3 Doja Cat - Scarlet 2 CLAUDE
Top 2 AUDREY NUNA - a liquid breakfast
Top 1 Bambu - Sharpest Tool in the Shed
10. Sino naman ang iyong top 3 na emcee (local at foreign)? Gaya ng tanong sa 9, may naitulong ba sila sa mga bara mo?
Wala naman masyado, paborito ko lang talaga sila.
Top 3 Doja Cat
Top 2 Bambu
Top 1 AUDREY NUNA
11. Para sayo, kumusta ang lagay ng lokal na eksena ng hip-hop ngayon? Kumpara sa era ng hip-hop na kinalakihan mo noon, ano ang pinagkaiba nito sa era ngayon? Ano ang mga na-improve nito at mga tingin mong dapat pang iimprove?
Siguro mostly naman tayong mga producers at rappers/emcees ay gustong sumikat, maka-impluwensya ng lipunan tsaka makagaan-gaan sa buhay. But there are more impoverished local rappers who want to succeed in hiphop than wealthy ones. At kadalasan 'yung mga walang resources, sila pa 'yung mas angat yung skills at in-depth yung kaalaman. Ang dali lang sa akin gumawa ng music na profitable, tsaka music na pasok sa panlasa ng bawat hard motherfuckers sa lokal kasi kahit anong isulat ko, kaya akong ibenta sa crowd. Pero sa lokal na eksena ngayon sa hiphop, mga multinational na social media platforms, digital streaming platforms, at record labels pa rin naman halos ang nagdedesisyon kung profitable ka ba o hindi. Kaya paramihan talaga ng kalokohan at content magka-streams lang.
12. Aktibo ka pa bang nanonood ng FlipTop? Sino ang paborito mong battle emcee ngayon at ano ang pinaka tumatak na laban sayo?
Oo. Si Sak at Emar pa rin mga paboritong kong battle emcees. Tsaka sa mga Gen Z na emcees si Vitrum (binayaran ako).
13. Naisip mo bang maging battle emcee o mas gusto mong tumutok lang sa musika?
May mga kaibigan na inalok na ako mag-battle kasi may weird daw ako na sulat pero sa tingin ko hindi ko talaga larangan ‘yun o baka takot lang din ‘yung factor kung bakit dahil sobrang male-dominated ng battle rap. Hindi rin ako madali maintindihan tsaka aminado akong unpredictable ako. Sa criticism o judging siguro mas may maiaambag ako. Pero sa ngayon
music lang talaga.
14. Ano ang mga maaasahan namin sayo sa mga darating na buwan at taon?
I have no plans changing into what the current hiphop scene tells me to be. I have plans of releasing an album moving forward but no confirmed date yet.
15. Ano ang maipapayo mo sa mga nagsisimula palang sa larangan?
Marami akong pinapakinggan kaya nakakagawa ako ng possibilities. ‘Wag tayong tamarin makinig ng music ng ibang tao at maghanap ng mga solid na production.
Suportahan ang mga obra ni FEIFEI sa Spotify, Soundcloud, at YouTube. Para manatiling updated sa kanyang mga paparating na proyekto at gigs, I-like at sundan niyo lang ang kanyang opisyal na pahina sa Facebook. Siguradong marami pa tayong mga aabangan mula sa kanya. Maraming salamat ulit kay FEIFEI para sa paglaan ng oras dito at sa inyo nagbasa nito. Patuloy nating suportahan ang lokal na independent artists.