Verse 1:
Napapansin mo ba na parang niloloko na tayo?
Ng mundong sobrang talino binobobo na tayo
Pinapaikot na ng pera ang lahat ng tao
Mga networking na ang lakas mang gago
Dinadaan tayo sa marketing na pa kape kape
Hangga't walang napapala mangungulit gabi-gabi
Papakitaan ka ng kotseng di naman kanila
Marami nang nabiktima diyan dinaan ng iba
Yung iba, aba talagang naka suit and tie pa
Para mag mukhang mayaman para bumigay ka
Sa loob daw ng isang buwan yung pera mo ay doble na
Walang ganun, walang instant kaya sorry ka
Tayo kasing mga Pinoy masyadong mahilig sa easy money
Baka nakakalimot ka 'di tayo si Manny
Maigsi lang ang buhay, matuto tayong magsikap
Mag-isip ng maigi, para 'di tayo maghirap
Verse 2:
Napakarami kong tanong saking isipan
Na di na masagot magdamag ko mang titigan
Ang bibliya na tao lamang ang may gawa
Sa dami ng relihiyon ito'y totoo pa kaya
Sino bang dapat nating paniwalaan sa kanila
Kasi ultimo sila paniniwala'y magkaiba
Di ba't isa lang naman ang dapat na sinasamba?
Ba't nagtatalo talo pa, yun ay kailangan ba?
Tingin ko to'y negosyo na rin ng pari at pastor
Oo maraming matino pero mas maraming impostor
Baka nga yung di nagsisimba mas mapunta pa sa langit
Kasi di tulad nyo ang Diyos di namin ginagamit
Nasa simbahan linggo linggo, pero pangit ang ugali
Sabi nila doon buhay mo ay pwede ibahagi
Para pag talikod mo pag uusapan ka nila?
Kala mo mga perpekto huhusgahan ka nila
Verse 3:
Kaya kayo kung ako sa inyo wag tayong magpaloko
Matuto tayong mag-isip huwag tayong magpabobo
Magsisimba linggo linggo tapos peperahan ka
Paano ko nasabi? Pag kulang bigay mo bibilangan ka
Bakit? Tumatanggap na ba ng pera ang Diyos?
Obligasyon bang magbigay kahit kinakapos?
May bayad na pala ngayon ang kanyang serbisyo
Kung kayo ang taga singil nasan ang resibo?
Tax free ang simbahan kaya ang yaman niyo na
Punong puno na ng abuloy ang laman ng bulsa
Di pwedeng kusang loob, kailangan may pursyento?
Kesyo pampatayo daw ng simbahang konkreto
Inaalam pa nila kung magkano ka sumahod
Ang iyong sinasahahod sa kanila umaanod
Buhay pa tayo pero para na tayong nakalibing
Sa wakas Panginoon may anak ka na pong nagising
Huwag sana nating pagkakitaan ang Diyos
Manampalataya na lang tayo sa kanya bagkus
Yan lang naman ang gusto nyang maramdaman mula sa atin at
Siya nang bahala sa ating mga suliranin
Mga may kasalanan satin, atin nang patawarin
Kung mabuti ang loob mo, ikaw ay pagpapalain
At ang lahat ng narinig mo ay aking opinyon
At alam kong magkakaiba tayo pagdating dun