Chorus:
Malimit mang sumudal sa init ang kabutihang isip,
Sa butas na kaluluwa'y di maiiwasang sumilip,
Sa paligsahan ng pangungulila, ang premyo ay dunong,
Pero bago ka makasali palayain ang pusong nakakulong.
Verse 1:
Sunugin natin ang bandila nang umusok ang nasyonalismo
ang dating dagat ng rebolusyon ngayo'y dumadaan sa gripo
ayoko nang umasa, sa bansang nag-tataka
Kung ba't di tayo umaangat, mga ungas ang tatanga
Ako'y nanghihingalo, ang oras ay tumatakbo
Patungo sa liwanag ng langit ng umuulan ng abo
Hindi pa tapos ang laban at kung matalo man ako
Ang mga AMPON ng bayan ko'y haharap sayo
Pero nasan ang talino sa likod ng gahas?
Nakikipagtalik ang sisiw sa mapanganib na ahas
Ng republikang nabibiyak sa bigat ng kanyang mga sikreto
Kung wala ang sagot sa alak, nasa rebulusyon o sa kumbento
Repeat chorus (2x)
Verse 2:
Wag mo munang pinturahan ang puting kambas
Dahil ang hari ng ngayon ay siyang payaso bukas
Isa-isa nating himayin ang buto ng malansang pagtanggap
Sa ilalim ng mga taong 'to, mga baboy na nag-papanggap
Kapag magising ba ang masa, sila'y tatanghaling Hesus?
Kung ganon ako ang mag-papako ng proletaryo sa krus
Ayoko nang maghanap ng bayani sa kabataang duwag
Na hindi kaya harapin sa salamin ang katotohanang hubad
Hindi biro ang rebolusyon, bat sila'y humahalakhak
Natapilok ang kabataan sa bato ng pagkalimot
Nigyang liwanag ang dilim ng mawala ang anino ng pagduda
Aapaw na ang kalungkutan ng bayan kong lumuluha
Ang bahaghari ng hustisya'y kulay itim at puti,
Pero ngayo'y pula sa dugo ng mga abogadong nag-bigti
Kaysa lumaban ang Pilipino nakuntento na sa pag-ngiti
Mga putanginang indiong nagpapakapalan ng budhi
Para kanino namatay si Rizal at Bonifacio itinatanong ninyo
Hindi para sa mga Pilipino na kagaya niyo
Wala na ngang pag-asa ang bansang nagtataka
Kung bakit ang panaginip ng dati, ay panaginip pa...
Repeat chorus (2x)