Verse 1:
Bakit di ka makihain sa baka sa hapag
Dapat malaman ilalabas ko lang ang tapang ko kapag
Merong mga baboy na lumalabag
Butas sa sistemang sila mismo ang sumasaksak
Lumalaki't lumalala
Inincreasan ng sweldo ang mga walang hiya
Armas bagong dating di mang lang inatupag
Batang gutom ang dinadaing, ganyan na nga ba mga tao?
Bulag nang magmahal, sumusunod sa salapi
Nakatapak ba sa batok ang gusto mong magapi
Yan ba ang rason kaya nanatiling nakamasid
Nakaabang parang nangyayari sa paligid ay wala nalang
Ang totoo tayo mismo ang sinisilaban
Dahil tayo mag babayad utang ng mga yan
Chrosu (2x):
Congreso at senado sige sa bangayan
Pero ang pasakit pinasa nyo sa mamayan
Perang dapat laman tyan
Pinalit sa mga luho ng bituka na halang
Verse 2:
Binigyan ang kababayan peke na kalayaan
Dahil totoo matagal nang may kasunduan
Kakilanlan ng Pilipino nakaanino
Sa isip ng banyaga na sumakop di makawala
Tunay ba talagang putol na ang tanikala?
Iba ang nangyayari sa naitala
Kaya pagbigyan ang pagtataka't hanapin kung sino ka
Dapat mong malaman ng sarili mo na sibika
Liwanag kong dala mas malakas kung pikit pa iyong mga mata
At kung abutan ka't sakali pang dinadaga
Itulak ang kaba kasama mga bara't ibuga
Sa madla at sindihan na ang mitsa
Ang mensahe ko ay klaro malinaw dumating
Salita lang pagbabago kung sa pag galaw ay kulang ka pa rin
Repeat chorus
Outro:
Pera ng mamamayan
Ay inilgay sa bituka ng mga halang
Pera ng mamamayan
Ay inilgay sa bituka ng mga halang
Pera ng mamamayan
Iniligay sa bituka ng
Bituka, ang bituka, ang bituka na halang