Verse 1:
Bawal sumagot kay kuya, di pwedeng patulan si bunso
Dapat ay sila na muna bago maibigay ang aking gusto
Dinadaan-daanan, dinaig pang lansangan
Tinaguriang "tigapagmana ng mga pinaglumaan
Nasa sentro pero bakit walang atensyon
Lagi lang na sa gitna ng tensyon
Wala pa ring desisyon kahit may kumpetisyon, uh
Di pa naranasan na manalo, di rin nasubukan na matalo
Ano kaya pakiramdam 'pag sa'yo na nakatutok ang mata ng mga tao
Chorus:
Kahit saang paglagyan, sa likod, gitna, harapan
Palaging tablado tuwing mananalo sa labanan
Oh-oh, kasali sa laro at nagsasaya
Kahit sa'yo ay walang tumataya
Dahil alam mo ang tungkulin ng isang dakilang pamanggulo
Post-chorus:
(Dahil alam mo na, dahil alam mo na)
Pamanggulo
(Dahil alam mo na, dahil alam mo na)
Pamanggulo
(Dahil alam mo na, dahil alam mo na)
(Dahil alam mo na, dahil alam mo, mo, mo)
Verse 2:
Sa pagitan ng pagiging alamat
At kung pwede ka na bang ngumarat
Pwede ka na bang humarap
para sabihin ang lahat?
Pero sino ang makikinig?
Mga tenga na hindi naman nakaharap sa'yong bibig
Nakatutok lang na magkabilaan, kaliwa't kanan sa mga bintana na maliit mong silid
Ganyan talaga (talaga), kanino ka maniniwala
Sa mga gusto na agad tumanda
O sa mga bumalik sa pagkabata? (Pagkabata)
Repeat chorus and post-chorus
Verse 3:
Andirito pa rin kahit 'di mo pansin
Kahit di mo alam ay handa kong gawin ang dapat kong gawin
Para lang masinagan ka ako'y nasa dilim (nasa dilim)
Lumipas man ang ilang araw at buwan ako ang bituin (Ako ang bituin)
Di ba't inaasinta kapag nasa gitna pero bakit gan'to?
Walang huli't simula kung wala ang gitna akin napagtanto
Kahit ilang beses na bumagsak sa lapag at walang sumalo
Gitnang daliri lamang ang handang tumayo para sa'yo
Repeat chorus