Chorus:
Mapagbiro ang mundo, hahamakin ka nila, sino ba sila?
Mapagbiro ang mundo, hahamakin ka nila, sino ba sila?
Mapagbiro ang mundo, hahamakin ka nila, sino ba sila?
Nosi Balasi?
Verse 1:
Pagpasensyahan mo na kung bakit parang di na tulad ng dati
Ang dami kasing nangyaring hindi mawari
Madalas ay ayos lang kunwari sa dalas palaging
Pinamumulat ang gabi tinutulugan ang tanghali
Sa tuwing mapapadpad sa madilim tila hiwagang may magpapakaliwanag
Para lamang may masabi kahit di mo marinig
Malinaw ang bawat pantig
Mga sablay lang ang batid sayo plantyado pagkayari
Malakas pa sa sigaw ang salita niyang pabulong
Nakaabang sa kamalian ng iba upang magkaron
Ng pagkakataon na magmarunong
Kahit saang parte mo pa dalhin ay merong ikakagalit
Matabil ang bibig, walang makadadaig
Sila lang ang magaling, sila lang din ang bilib
Sa sarili sa silid ng mga nangangarap
Ay higit ang mayayabang ni wala pang narating
Pumikit na lamang
Tapak sa ulo ng angat anong inaabot
Nasa sahig ang kaalaman mas dapat kang magpulot
Anumang tungkol sakin na sakin lang ang tanging sagot
Sakin lang kasya ang sapatos ko di mo masusuot
(Tapak sa ulo ng angat anong inaabot
Nasa sahig ang kaalaman mas dapat kang magpulot
Anumang tungkol sakin na sakin lang ang tanging sagot
Sakin lang kasya ang sapatos ko di mo masusuot)
Repeat chorus
Verse 2:
Ni hindi alam ang tunay mong pangalan
Pero ang mga astahan ay parang katabi ka lagi sa higaan
Parang nakasama ka na sa kahinaan at kalakasan
Yun bang kayang idetalye lahat ng mga naranasan
Mo hangganan ay wala di mo kayang limitahan
Isang tingin ang nilaan handa na para husgahan
Ka mang-aagaw pansin, mangbubulahaw pag sin-
-ira ka walang pasin, tabi piliting pabulaanan
Talangkaan sa palangganang banggaan kaliwa't kanan
Kahit saang larangan di maiwasan na pagdaanan
Hawiin mo nang may malakaran wag hayaang harangan
Ng mga sa kiliti lang kayang magtawanan kapos, kapalaran
Balanse ang mundo ng sang-ayon at salungat
Wasak sa blangkong paningin ng mga nagpapakamulat
Dugo pawis salapi oras ang alay di pa rin sapat
May pagkukulang ka pa din kahit na gawin mo na lahat
(Balanse ang mundo ng sang-ayon at salungat
Wasak sa blangkong paningin ng mga nagpapakamulat
Dugo pawis salapi oras ang alay di pa rin sapat
May pagkukulang ka pa din kahit na gawin mo na lahat)
(Balanse ang mundo ng sang-ayon at salungat
Wasak sa blangkong paningin ng mga nagpapakamulat
Dugo pawis salapi oras ang alay di pa rin sapat
May pagkukulang ka pa din kahit na gawin mo na lahat)
Verse 3:
Sawa na sa dumi't alikabok, alingasaw ng sistema na bulok
Pag-akit paniniwalain, sa kokote kumakain garapalang wawasakin ang bungo
Hanggang sa di na kaya pang paganahin
Sa ka, ibuturan ng damdamin ang gusto lang naman namin ay makalanghap
Ng sariwang hangin malasap, ang simoy animo'y sa probinsya galing
Luntian na tanawin, sabay hingang malalim