Verse 1:
Sobra na ang init, kahit maulan
Nakakabadtrip pag naipit sa trapik pag habulan
Ng oras di ka makasingit, medyo kumakalam
Ang sikmura mamimilipit ka na di pa mapunan
Kayod nang kayod, may dilang kabayo, laylay na sa pagod
Tapos pagbukas sa balot, kapiranggot lang ang sahod
Ni hindi mo mapaabot ng linggo, mapapakamot nalang
Panay ang sabay sa agos kung saan-saan na lang inanod
Masyadong iniisip ang kinabukasan di mo na magampanan ang buhay mo ngayon
Ang ala-ala ng bawat kahapon ay nakakulong lagi sa kwarto
Na balagong sa trabahong ikaw ang makina't kahon
Ang paghabol sa magandang kapalaran na hawak ni kamatayan
Na unti-unti kang ibinabaon
Katumbas lang ng paghiling na balang araw ay yumaman
Na inasa sa baryang, inihagis sa balon
Chorus (2x):
Hanggang kailan
Maglalakbay
Ang isip paggising
Maging 'sing ganda ng lugar sa taas ang buhay mong taglay
Verse 2:
Ang daming hinahangad, pursigido na agad
Agad kumabig nang sagad naging dakilang alagad ng pera (pera, pera, pera, pera)
Ang daming hinahangad, pursigido na agad
Agad kumabig nang sagad naging dakilang alagad ng pera (pera, pera, pera, pera)
Pero, puro, pera man ang, laman ng
Isipan ay hindi mo masuhulan ang
Pusong umiibig ng tapat, di mapipigil sapagkat
Hahamakin ang lahat (lahat, lahat, lahat)
Lahat tayo'y may hangganan
labanan ba ay pahabaan at tagal ng pagtibok ng puso at ng paghinga
O pasarapan ng karanasan maging mali o tama
Madali mang sumapit ang mapayapang pahinga
Repeat chrous
Verse 3:
May sa kalye na natuto, sa diskarte lang sanay
May nasa gusaling puro pindot ang mga kamay
Nagsisipag, para lang maging maayos ang lagay
Kaso sa sobrang sipag halos magpakamatay
Para san nga ba ang buhay, san ba dapat na mamulat?
Pano mapupunta sa langit? Dapat ba may krus na buhat?
May impyerno nga ba na may kasamaang di masusukat?
O ito na yon, pinatitino lang tayo ng mga nakasulat?
Outro:
Simulan mong lumipad, sa alapaap, ika'y yumakap
Sa ulap na hatid nitong kalikasan niya
Simulan mong lumipad, sa alapaap, ika'y yumakap
Sa ulap na hatid nitong kalikasan niya
Simulan mong lumipad, sa alapaap, ika'y yumakap
Sa ulap na hatid nitong kalikasan niya
Simulan mong lumipad, sa alapaap, ika'y yumakap
Sa ulap na hatid nitong kalikasan niya
(kalikasan na nagsasabing kalma ka lang)