Marvin Ivan:
Di, 'di ko alam, 'di ko inasahan
Ako na lang ang lumalaban
Ano ba ang naging kasalanan?
Bakit ako nahihirapan?
Sa mga gabing 'di ka katabi
Sa lamig ng hangin 'di makakubli
Hanap pa rin ang dating init
Kahit 'di na dapat ipilit
Naguguluhan ang aking isipan
Kung puso ko ba'y pakikinggan
'Di, 'di ko alam, 'di ko inasahan
Ako na lang ang lumalaban
Ano ba ang aking kasalanan?
Bakit ako ang naiwan?
Na mag-isa pagsikat ng araw
'Di ba dapat kasama ko'y ikaw?
Pangako nating hanggang sa dulo
Isang iglap, lahat naglaho
'Di, 'di ko alam, 'di ko inasahan
Ako na lang ang lumalaban
Ano ba ang aking kasalanan?
Bakit ako ang naiwan?
Emar Industriya:
Dahil ako'y sandigan mong napakalakas, napakawagas
Baluti't sandata sa loob at mapasa-labas
Ako'y kawal, buhawi man ay hindi maikalas
Tanging alas ay ilaban hanggang sa mapasa-wakas
Matulin pa sa isang idlap, tinupok ng mababang kidlat
Mababaw na luha ay patibong ng matang kumikislap
Patalim sa'king likod ay umiindak
Tarak ang salitang lumilinlang
Guniguning reyalidad at naging totoo sa panaginip lang
Kaya't nagising muli, sa araw na hindi ka katabi
Pinipilit na magising muli, kahit pinatulog ng hapdi
At magigising muli't muli tangan ang higanti
Pagka't walang pag-ibig na wagas na mapagkunwari,
May mga sandali.
Ang pag alis mo ay aking paglisan,
Nagmahal ng lubos ang malaking kamalian
Sumugal sa laro ng panahong pinagtalian
At ang kapalit ay ala alang kinamumuhian,
Kinapupulutan ng aral sa panandalian
Nalulong sa pagmamahal na bihira ang alitan
Tinakluban ng itim na langit ang totoong katauhan
At nang inulan ay gumuho ang dapat na kinakapitan
Kaya't tadhana'y hinayaan akong maiwan
Mag isa sa pagsikat ng araw,
Sa pagsikat ng maningning na bituin na yumakap sa isang bulalakaw
Mag isang tatahakin, hanggang dulo
Habang pinapanuod ang mundong sa isang idlap ay naglaho
At hindi ko alam, hindi ko inasahan.