Verse 1 (Pricetagg):
Naranasan mo na ba sa buhay ay malasin?
Kumakalam sikmura at wala ka nang makain
Sa usok ay sabog nilulunok na lang yung hangin
At isipin na busog baka bukas mapapalarin
Maalat ang diskarte kaya ulam tuyo at daing
Mainit na kape sinasabaw ko pa sa kanin
Nagtampo 'ko sa bigas kaya walang masaing
Ngayon alam mo na ang sulat at ang sugat ko'y malalim
Inisip lang pagsubok 'to, hanggang kalian 'to tatagal
Hanggang daga saking dibdib unti-unting natatanggal
Bakal na puso ko pano 'ko magmamahal
Natutulog ba ang Diyos?
Kaya pano ako magdadasal, yeah
Bubuksan ko pintuan ng langit na sarado
Hanapin susi ng tagumpay kahit may kandado
Akin na ang kontrata handa na ang lagda ko
Sakin ang titulo ng hinahangad kong palasyo
Chorus (JP Bacallan):
Sinimulan ko 'to walang naniniwala
Sa paligid ko, eh ano? (Eh ano?)
Susulatan ko lahat ng mga blankong pahina
At mas sisipagan ko pa (Kahit maubusan pa 'ko ng tinta)
Susulatan ko lahat ng mga blangkong pahina
Maubusan man ng hininga, di na para ako ay tumigil pa
Verse 2 (Gloc-9):
Subukan natin bumalik
Sa bawat daan na matinik
Kahit na hindi makahalik
Maabot ka lamang ay palaging sabik na sabik
Kami pailan-ilan noon
Mga taga-igib sa balon
Mababaw man o malalim, palarin man o malasin
Ay nakahanda na tumalon sa bangin man o sa tulay
Madilim at walang gabay, lahat ng bawal ay sinusuway
Gabi na'y naghuhukay makita lang saking kamay
Kahit maputik hatak sa lubid, laging uhaw at kulang sa tubig
Kung may mali, sige, umulit
Sa bagong papel pangarap mo'y iguhit
Repeat chorus
Verse 3 (Pricetagg):
Naging bulag, pipi't bingi sa payo ng iba
Tinakwil na nga 'ko ng aking ama't ina
Kausap ang sarili, san ba 'to mapupunta?
Rehab, kulungan, kamatayan, mamili ka
Pero hindi, kailangan ko nang matakasan
At isulat sa papel lahat ng naranasan
Nakaguhit sa kamay ang aking kapalaran
Ako ang Francisco sa makabagong balagtasan
Mga pikit ang pananaw, may araw akong titignan
Tamis ng tagumpay, unti-unti 'ko nang matitikman
Nasan korona, ang ulo ko ay lalagyan
Alam mong ikaw ay hari ng sarili mong kaharian
Tawid dagat nilakbay ko kaya hindi na biro
Madalasan din maiwanan ang aking anino
Hanggang ang Jomari ay pwede nang ihalubilo
Sa Marlon, Aristotle, Andrew, at Kiko
Repeat chorus