Intro:
Simulan natin ang bente sinko
Verse 1:
Hawak ko nung ako'y nangarap
Mga kapatid na aso ako'y niyakap
Nilawayan upang di na bumuka ang tarak
At humarang sa mga ayaw na mag paawat
Binuksan ang pintuan ng tahanan nila't ako'y pinatuloy
Maginaw, sinindihan ang apoy
Walang taguan ng baraha mag laro man ng pusoy
Maluwag ang huminga kahit na ano pang amoy
Kilala namin ang isa't-isa
Kahit na kapaligira'y mag iba
Buo't barya, lagi kaming may paninda
Sagot kita ano man ang tanong nila
Alisin na sa usapan ang korona at trono
Isa lang ang may karapatan ayoko
Kahit kung minsan ako ay tila ba wala sa tono
Aawit parin kapag pinasabay sa koro ng todo
Chorus 1:
Pumalag sa agos
Kami nakatawid
Sumabay sa alon
Kami ang nanaig
Pumalag sa hamon
Sayo na ang sukli
Hindi napagod
Kaya kami nakarating
Para bang sumakay ka sa tangke
Verse 2:
Sinargo ang parada
Palaruan, inangkin
Walang babala sa delubyong dumating
Namulat ang madla sa talas ng patalim
Nagliyab ang entablado, alam mo sino nagsindi
Ginawang araw ang gabi
Mga pagkakataon ay pinagtahi-tahi
Dugo't pawis ang alay kada ambag, kada tari
Buwis buhay kada lapag, kada lagari
Gera kung gera san man ang pwesto
Asahang dala namin ang krudo para sa puso
Taas bandera
Taas kamao
Sabay natin buhatin ang bigat ng mundo
Sumuntok sa buwan at naging tala si Juan
Salamat kay Bathala siyang bahala, siya nawa
Nobenta'y syete hanggang kasalukuyan
Kami ang bakal at apoy na walang kamatayan
Chorus 1:
Pumalag sa agos
Kami nakatawid
Sumabay sa alon
Kami ang nanaig
Pumalag sa hamon
Sayo na ang sukli
Hindi napagod
Kaya kami nakarating
Chorus 2:
Parang baga na hinipan siguradong aapoy di mahina
Hinagisan pa ng mga sinulatang pahina
Kapag tumatagal umiinit ang makina
Sinasakal di mapipigil ang pag hinga
Akin na
Bridge 1:
Laging lagyan ng laman ang balde
Di nababasa kahit na umangge
Kulang ang sabi sabi kapag kami pinagtabi
Darating agad agad, lalapag araw o gabi
Tila musika sa tenga
Parang kamot sa kati
Ako ay tagahanga na pinagpala
Nakamit ang pangarap na walang daya
Di mahirap samin ang magpaubaya
Bitawan ang galit upang tayo'y lumaya
Bridge 2:
Kahit sa malayo ang sadya
Hindi nanghina ang pagpadyak
Kahit na sa laot inulan
Tuloy tuloy lang ang pagsagwan
Kahit na matayog ang lipad
Mga paay sa lupa naglalakad
Laging uhaw sa pakikipagdigma
Kaluluway busog na busog sa biyaya
Chorus 1:
Pumalag sa agos
Kami nakatawid
Sumabay sa alon
Kami ang nanaig
Pumalag sa hamon
Sayo na ang sukli
Hindi napagod
Kaya kami nakarating
Chorus 2:
Parang baga na hinipan siguradong aapoy di mahina
Hinagisan pa ng mga sinulatang pahina
Kapag tumatagal umiinit ang makina
Sinasakal di mapipigil ang pag hinga
Akin na