Verse 1:
Naaalala ko pa yung mga linyang binura
Ng panahong nagsisiumula sa pagmamadali ay naapura
Naiisip ko rin kung magiging mali ang dating sa makakapuna
Madaling nangamba naging alanganin sa aking kung gagawin ko pa ba
Sapagkat hindi lahat ay bukas mata sa isinasadula
Masasanay kang harapin ang mga pagtalikod nilang ipinapamukha
Buti nalang nakilala kita na umuunawa sa mga nilikha ko
Nagturo sakin na yakapin sariling tiwala pag di sigurado
Nakapalagay ang loob na tila tumatapik sa aking likod
Sa tuwing natatalo o kapag nilalamon na ng negatibong kutob
Ikaw ang masugid kong manonood at taga pakinig sa likha kong tunog
Hiniling mong manalo ako ng hindi para sa balatong kasunod
Isa ka sa patunay ko na sagot sa bawat insulto nila na tanong
Kung anong rason ang nilalaan kong panahon sa malabo ko raw maabot
Kaya ako sumubok kung san man patungo'y di pa matukoy
At ang bawat papuri mo'y naging malaking bahagi ng aking pagpapatuloy
Chorus (2x):
Laging balanse, laging hati
Mga papuri't pang aapi
Masama at mabuting naririnig
Ang nagpapatindig para di magapi
Sumbat at salamat na magkatabi
Magkaibang bawi at higanti
Sa sandali ngang pang mamaliit pa pala ang 'yong pagmamalaki
Verse 2:
Tandang tanda ko pa yung una mga una kong tula
Nung panahong nagsisimula pag pinapaboran ikinakatuwa
Pinipilit gawin kahit di madali binibirit ang bawat buga
Kapos na hininga kada mali nagsasabi na mas pag igihan ko pa
Kahit masakit mga pang aaping kalakip ng mithi kong dala
At sa halip nag papakabingi nalang at ipinipikit aking mata
Sa 'yong tingin ay katawa-tawa, sinasalamin ko'y pagiging tanga
Sa napiling pangarap at bawat sinasakripisyo ko lang ay naaaksaya
Oras lang na katiting ang hinihingi ko sa minumungkahing kanta
Ngunit ang turing mo sa saglit na pakikinig ay malaking abala
Mga likha ko'y balewala di makatikim ng pagpapahalaga
Di mo maaninag ang ganda sa pagiging bulag bilang mapangmata
Ngunit sa kabila ng kawalan ng suporta, yan ay itinuring kong tulong
Minsan mainam palang na pagdadamutan upang manatili lang ang gutom
Kaya sumusubok kung san man patungo'y di pa matukoy
At ang bawat pang aapi mo ay bahagi rin ng aking pagpapatuloy
Repeat chorus