Album

Magda (feat. Rico Blanco)


Liham At Lihim
Gloc-9
2013

Rico Blanco:

Magdalena anong problema?

Bakit di ka makawala sa kadena?

At sa gabi gabi ikaw ay nasa selda

Na hanap buhay mo ngayon

Magdalena anong problema?

Alam naman natin na dati kang nena

At sa iyong ama ikaw ay prinsesa

Anong nangyari sayo?

Ito'y kwento ng isang babaeng

Tulog sa umaga, gising sa gabi

Ang kanyang mukha'y puno ng kolorete

Sa lugar na ang ilaw ay patay sindi

Simulan natin ang istorya

 

Gloc 9:

Ako'y kanyang matalik na kaibigan

Ernesto ang aking pangalan

Kwentong dapat niyong malaman

Wag nang magbulag bulagan

Bakit ang nais natin ay malaman ang baho ng iba?

Pagbibigyan kita

Kilala mo ba si Magda?

 

Gloc 9:

Na aking kababata mula pa ng pagkabata

Kami lagi magkasama mga bangkang papel sa sapa

Kanyang ngiti lumiliwanag ang paligid

At pag siya'y dumadaan mga leeg ay pumipilipit

Ubod ng ganda noong siya ay nagdalaga

Tuwing kausap ko na malimit akong tulala

Kahit may nararamdaman pinilit kong isara

Ang bibig at pintig ng puso para sa kanya

At sa sayawan matapos kaming makapagtapos

Dahil pinawis ang mukha ako'y nagpunas ng pulbos

Kahit parang hindi pantay ay nagmamadaling hinila

Pinakilala niya lalaki na taga Maynila

 

Rico Blanco:

Magdalena anong problema

Bakit di ka makawala sa kadena?

At sa gabi gabi ikaw ay nasa selda

Na hanap buhay mo ngayon

Magdalena anong problema?

Alam naman natin na dati kang nena

At sa iyong ama ikaw ay prinsesa

Anong nangyari sayo?

 

Gloc 9:

Maraming taon ako'y nalipasan

Pinilit ko mang takasan

Bagkus ay aking nalaman

Ang tunay kong kailangan

Di ko maibaling ang pagtingin ko sa iba

Minamahal ko siya

Hahanapin ko si Magda

 

Gloc 9:

Lumuwas habang nagdarasal na maabutan

Sa lugar na ang sabi'y kanyang pinagtatrabahuhan

Nakita kong larawan niya na nakadikit sa pintuan

Iba man ang kulay ng buhok di ko malilimutan

Ang kanyang mata at tamis ng kanyang ngiti

At dahil ubod ng saya hindi na nag atubili

Agad pumasok sa silid pero bakit ang dilim?

Madaming lamesa't mga nag-iinumang lasing

Nang biglang nagpalakpakan may mabagal na kanta

Sa maliit na entablado ay nakita ko na

Ako ay nagtaka, nagtanong, nagkamot

Bakit siya sumasayaw na sapatos lang ang suot?

 

Rico Blanco:

Ito'y kwento ng isang babaeng

Tulog sa umaga, gising sa gabi

Ang kanyang mukha'y puno ng kolorete

Sa lugar na ang ilaw ay patay sindi

Ituloy natin ang istorya

 

Gloc 9:

Agad siyang sumama sakin walang kakabakaba

Ang trato niya sakin ay nobyo tila katakataka

Bumaba sa taxi-ng pinara sa may Sta. Mesa

Parang ako'y bida sa mga sumunod na eksena

Kung ito ay panaginip ayoko nang magising

Ngunit ako'y nanaginip umaga na nang magising

Ang naabutan ko lamang ay may sobre sa lapag

Liham para sakin na isinulat niya magdamag

Kahit gulong gulo ang isip pinilit kong basahin

Di malilimutan ang mga sinabi niya sa akin

"Mahal kong Ernesto alam kong tulog mo'y malalim

Di na ko nagpaalam di na kita ginising

Salamat nga pala sa pasalubong mong kalamay

At sa pinakamasayang gabi ng aking buhay

Nung iniwan ko ang baryo natin ang akala ko

Isang tunay na pag-ibig ang matatagpuan ko

Hinanap kung saan-saan at kung kani-kanino

Di ko inakalang ito ang kahahantungan ko

Imbis na ako'y sagipin itinulak sa bangin

Ito palang ibig sabihin ng kapit sa patalim

Kung mabaho sabunin, kung makati gamutin

Kung hindi na masikmura ay ibaling ang tingin

Kahit ako ay bayaran at kaladkaring babaeng

Alam ang amoy ng laway ng iba't-ibang lalake

Isa lang ang kaya kong sayo'y maipagmalaki

Ikaw lang ang bukod tanging hinalikan ko sa labi

Gusto ko mang manatili sayong mga yakap

Ako may natutuwa dahil ako'y iyong nahanap

Wala na yatang walis ang makakalinis ng kalat

At ang katulad ko sayo ay di karapat-dapat

Pinangarap kong sa altar ako'y iyong ihatid

Ngunit sa dami ng pait ang puso ko'y namanhid

Di ko makakalimutan ang pabaon mong halik

Pero pakiusap huwag ka na sana pang babalik

Regalo ng Maykapal ang ikaw ay makilala

Salamat sa ala-ala, nagmamahal Magda"

 

Rico Blanco:

Magdalena anong problema?

Bakit 'di ka makawala sa kadena?

At sa gabi gabi ikaw ay nasa selda

Na hanap buhay mo ngayon

Magdalena ano'ng problema?

Alam naman natin na dati kang nena

At sa iyong ama ikaw ay prinsesa

Anong nangyari sayo?

Ito'y kwento ng isang babae



OTHER LYRICS

Elmer (feat. Jaq Dionisio and Jomal Linao)

Talumpati
Gloc-9
2011 Album

MKPGSBYN

MKPGSBYN
P-Town Pirates x Migo Senires
2016 Single

Rani Mukerji

Cinémetropolis
Blue Scholars
2011 Album

Maniwala

Maniwala
Ex The Great
2018 Single

Life & Debt

Blue Scholars
Blue Scholars
2004 Album

FEATURED ARTICLES