Verse 1:
Napipilitan na
Isara aking mata
Sa realidad ng buhay
Ako'y nasusuka
Napupunta ang lugaw na pinag-paguran ko
Sa mga taong di marunong tumanaw ng utang na loob
Nakagapos mahigpit
Ni hindi masingit
Kitang 'kay liit
Pambayad ng jeep
Walang pantawid gutom
Walang nakarinig, ng sigaw "tulong"?
Mata'y naka-tirik, di makatulog
Bumisita si Bathala, may handog na tulong
Kaning tutong
Sabay bulong
"Kung gusto mo kumain, tulak mo, wag malululong"
Kinuha ko ang bag, kumaripas ng takbo
Binenta ang laman na para bang pagkain ng diyos
Sa mga gagong nakatambay sa Makati at The Fort
Stacks na walang ibang mabibigkas kundi "holy lord"
Gumapang, kala mo'y mawawalan
Linyang iikutin limang-beses ang kalawakan
Namumuting ilong, namumulang mata
Bulsang umaapaw ng perang di kanila
Maaga ang gabi, dumadami pa sila
Mukhang kumakalat na ang balita
"Andito si Renato, kaibigan ni Bathala
May dalang regalo, mga munmunting tala"
Hook (4x):
Sila'y sumasayaw na para bang walang bukas
Verse 2:
Pagkagising, namamawis
Tila ba wala ng ninanais
Mga mata'y kumikislap na parang mga kuwitis
Di mapakali, dali-dali sya nag bihis
Sa gitna ng silid, makikita duguan
Mahal nya sa buhay, parang nasa babuyan
Sinong gumawa nito? Tanong nya sa sarili
Nag isip agad kung sino ang ma-sisisi
Malabo man, pero bumalik agad
Ala-ala sa isip nangangati parang higad
Nasa-rurok ng high, kagabi, parang Jihad
Kakatira ng tala, iniwan siyang hubad-hubad
Naalala nya bigla na sya mismo pumatay
Outro (2x):
Sige pa, pumarty ka pa tol
Sumayaw na para bang asong nauulol
Sige pa, pumarty ka pa dre
Singhutin mga tala, high na high ka na ba dre?
Sige pa, pumarty ka pa brad
Kumantot ka pa ng chicks, at iwang hubad hubad
Waldasin kayamanan ng iyong magulang
Libo-libong nasa kamay, ngunit parang kulang