Verse 1 (Juan Lazy):
Tinig ng sariling himig ang nagtulak sakin
Para sabihin ang gabing ito'y solohin natin
Kung chocolate yung kanya, mas sweet naman yung sakin
Ihahain, Sweet and Spicy Pancit Canton at kanin
At least, ako nagsaing para di malata
Ako'y nabulag sa pag-ibig mo, di ba halata?
Buong gabi ang mata ko'y sayo lang nakatingin
Dahil para kang pulut, malagkit kung tumingin
Gusto sana kitang kausapin
Huwag kang mag-alala dahil walang tao samin
Tayo lang dalawa, ako lamang at ikaw, walang iba
Gagawa ng paraan makasama lang kita
Ang oras ay patitigilin ko dahil mas pipiliin ko sa piling mo
Feeling ko ikaw lamang ang kasiping ko
Satin ang gabi na kahit nakaw sandali
Teka, isang tanong isang sagot
Oo lamang at hindi
Chorus:
Hindi ka pwedeng humindi
Pagkat satin ang gabi
Hindi mapakali kapag wala ka sa tabi
Wag na wag kang hihindi
Abot langit ang ngiti
Ikaw ang katabi pagkat satin ang gabi
Verse 2 (Harlem):
Pausukin natin parang bagong salin na kape
Hindi sa akin, hindi iyo sapagkat satin ang gabi
Sabik na sabik pag ikaw ang kahalikan
Parang dating magkasintahang nagkabalikan
Sa sobrang sarap, talo ang pananghalian
Sa lambing, parang yakap alon ng dalampasigan
Panatag ang loob at ako'y kalmado
Sa lambing, makakatulog mata ko'y sarado
Kulay ng pagmamahalan sa paligid napuna
Lahat kulay dugo pagkat mata ay mapula
Pakiramadam, magaang pa sa unan
Katawan'y nagliyab, mainit pa sa maanghang na hapunan
Hinahanap ng puso bulong kasi isa lang
Tanging hahanapin ko buong gabi, ikaw lang
Matagal ang hinintay upang masolo ka at
Yung ibigay ang sagot na hinihintay na sana oo pagkat
Repeat chorus
Verse 3:
(Harlem)
Ikaw lamang ang nasa isipan
Pakiramdam ay para bang ako'y hinihipan
Ng hangin papunta sa kama
Nasa langit, nasa ulap pag ikaw ang kasama
Pag ikaw ang katabi, isang gabi satin bitin
Pagsasaluhan na gabi, 'sing dami ng bituin
Maikling panahon, dapat gawin nating mahaba
Kung kulang ang gabi, isama natin ang tanghali at umaga
(Juan Lazy)
Sa harapan ng libu-libong usisero
Sa baliw na Pilipinong musikero
Nanatiling sikreto ang lihim ko na pagtingin
Ngunit saking pagtikim, nagkaliwanag ang dilim
Inibig ko ng tulad mo kahit ako'y salat sa pera
Ginagamit na liwanag sa pagsulat ay gasera
At hindi sa tubig kundi sa pag-ibig ay uhaw
Pagkainom, ganun pa rin, ang lasa ay kundi ikaw
Repeat chorus (2x)
Outro (repeat until fade):
Gusto sana kitang kausapin
Huwag kang mag-alala dahil walang tao sa'min
Tayo lang dalawa, ako lamang at ikaw, walang iba
Gagawa ng paraan makasama lang kita