Single

Sa Susunod Na Lang (feat. Yuri)


Sa Susunod Na Lang
Skusta Clee
Producer: Flip-D
2018

Intro:

Ha! Gusto ko lang naman makausap ka eh

You know, you know, I just wanna talk, huh

Doobi-do-doop, doop, doop, darap, eh

 

Verse 1 (Skusta Clee):

Halos limang oras na akong nag-aantay sa'yo

Nag-aabang ako sa labas ng bahay n'yo

Sipat ng sipat kung sisilip ka ba sa bintana

Magpakita ka'y parang 'di yata

Ilang beses ka nang lagi na lang gan'yan

Kung iwasan ako'y parang ayaw akong nand'yan

Sa susunod na punta ko'y pagbuksan mo na sana

Kasi kahit anong mangyari ay 'di ako mawawalan ng pag-asa

 

Chorus:

Ayaw kitang pilitin kung 'di ka pa handa

Sa susunod na lang, sa susunod na lang

Ayaw kong nabibitin kaya mabuti pang

Ako'y uuwi na lang, sa susunod na lang

 

Verse 2 (Yuri):

Napupuyat na 'ko kakapaalala

Kumain at mag-ingat kung sakaling maggala ka

Laging sinisipat ang imahe ng dalaga

Na pangarap makasama ko sa hirap at ginhawa

Tipikal na dahilan ng tagahanga mong

Hindi naghahanap ng iba kahit na nababatong

Naghihintay sa'yong sagot sa 'king mga tinatanong

Habang ang pamantayan mo ay pilit kong tinatalon

Kasi alam ko na hindi ka pa handa

May gusto kang makita pa sa 'kin at madama

Kaya 'eto ako, naghahanda 'kong madapa

Kung mabigo sa ngayon, ayos lang kasi may bukas pa

'Di nauubos 'yun kaya kahit kumukunot na ang noo ko

Ay sa alon natin ay sumusunod na lang

Susuyuin ka kahit hindi mo pa mapunuan

'Yung ikaw sa salitang tayo, ayos lang, sa susunod na lang

 

(repeat chorus x3)

Ako'y uuwi na lang, sa susunod na lang



Skusta Clee - Sa Susunod Na Lang (2018):

SEE ALSO

OTHER LYRICS

SLN (feat. Tuglaks)

1998 EP
KIAL
2019 Album

ang makuha siya / alam mong wala

bahay namin maliit lamang
Hev Abi
2024 Album

Float Music

Good Problems
WAIIAN
2020 Album

Southside Revival

The Long March EP
Blue Scholars
2005 Album

Plazma vs Romano (Plazma's Rounds)

FlipTop presents: Ahon 8
Various Emcees
2017 Rap Battle Verses

FEATURED ARTICLES