Verse 1:
Yo, every night I have a dream
Nangangarap ng gising
At ng kapakanan ng lahat laging hinihiling
Ako hindi pangulo pero ang gusto ko maayos
Ito kasi ang daan para ang buhay mairaos
Habang bata pa kumilos para magulong di na mag-abroad
Kumayod ng kumayod hanggang sila'y maging ugod-ugod
Pagod na ako sa ingay sa digmaan diyan sa Mindanao
Sana mag usap-usap tayo ng walang sumisigaw
Ikaw, masdan mo ang mga bata
Ang mga musmos sa halip na mag-laro
Nanlilimos sa lansangan, ano ba ang kanilang matututunan
Sana mabigyan sila ng magandang kinabukasan
Chorus (2x):
Sana pag-ibig na lang
Sana'y magkatotoo
Verse 2:
Di na bale ang ating tingin
Wala ka bang napapansin
Tayong laman ng CNN at ng TIME Magazine
Sinong dapat mag-resign, para san ang EDSA Shrine
Di ba mapipigil ang pagtaas sa 'tin ng crime
Bakit di magkasundo mga Anti at Pro
Sana'y matigil na matapos na itong gulo ng mga tao laban sa sistema
Elitista kontra sa masa at ang kontrobersiya ng simbahan at ng industriya
Pelikula at musika, politika, at ang konstitusyon
Dapat bang magtalo pati na sa ating relihiyon
Nag-iisa ang Diyos, sana'y ipagdasal ninyo na magkasundo
Bago maglaho ang ating mundo
Repeat chorus
Yo, para sa lahat ng kabataan
Iisa mahihiling ko
Sana magkaroon silang lahat ng magandang kinabukasan
Verse 3:
If I could change the world
I will, ako ang susupil isa-isang itatakwil
Lahat ng masama sa mundo na nilikha
Sana pulis ang pumuksa at
Di ang gumawa ng karahasan di ko na matagalan
Ilan pa kayang ulong makikita ng wala sa katawan
Nagkalat sa daan mga pinabayaan ng magulang
Bakit ba sa drugs nalulong sinong nagkulang
Sa murang gulang nakuhang magbenta ng laman
Ikaw matitiis mo bang matulog sa daan na walang damit
At sa sobrang lamig nanginginig
At sa rugby matitiis na ang gutom ay mapatid
Anong dapat gawin
Wala ka bang pakialam
Isipin mo na lang kung mangyari ito
Sa inyong mga anak
Wala na malala na, problema huwag ng dagdagan
Kailangan bang mag-siraan
Ba't di na lang magtulungan (and give some love!)
Repeat chorus (4x)