Verse 1 (KJah):
Makabuluhang tugon ang pagsagasa
Patriyotikong galaw, higit pa sa pagbawi ng dambana
Pag-alma ng mga isipang hinasa
Nilapat sa bandila at winagayway gamit ang sariling wika
Nababagabag ka bang makibaka? Wag nang mahabag
Baon sa utang ang gobyerno, hindi na makapalag
Itama ang maling linya sa mapa
Ang pagbubulag-bulagan kailanma'y hindi parte ng diplomasya
Mga kaisa, para sa mahal na republika
Bago pa ang watawat ay maging kulay pula
Ating agapan ang lihim na pang-aalipusta
Kung tikom ang nasa pwesto, ikaw ang magdeklara
Buklatin ang mga itinatago na pahina
Nitong mga oportunistang pasikreto ang kamada
Sa iniingatang yamang dapat pangkalahatan
Ihilera sa daan sabay sabay na silaban
Laban
Hook (Juss Rye) (2x):
Tumayo at manindigan ka ngayon
Tumayo't kunin ang pagkakataon
Tumayo't lumaban sa naghahamon
Itayo ang bandila sa dagat na puno ng alon
Verse 2 (Mhot):
Anong balita, mga ganap sa kasalukuyan?
May dayuhan na bumisita, katabi ng nasa upuan
Kamayan ay pinakita ngunit hindi ang kasunduan
Pagkat tulad ng alila, di lahat pinahihintulutan at
Tila kinilabutan yung kinilalang matabil
Na mukhang tayo lamang ang kayang pagbalingan ng baril
Karagata’y binabakuran iba na ang pumapapel
Sino pa ba? Edi silang may pinakatanyag na pader
Kaya para san ang kalayaang pinagbubunyi?
Kung ang pang-hihimasok ay kanilang kinukunsinti
Tayo’y kinukumbinsing kaunlaran daw ang sukli
Sakupin nang unti-unti ang pakay na kinukubli
Talo man sumatutal sa mga kadeteng di mabilang
Tayo ang nasa lugar, kaya pwede kang mangatwiran
Kahit ang paglaban ay utak rebelde sa karamihan
Kailanman ay di pagiging bayolente ang manindigan
Repeat hook
Verse 3 (BLKD):
Araw ang apoy ng panaghoy na buga
Bagang magtataboy ng mga bumubura
Ng mga lumalampas, ng mga bumabangga
Ng mga astang talang bumabangka
Sa laot ng pananakot
Malambot na pananakop
Ibabandera mga letrang pamuna
Lulusong sa laban hanggang umalon ng pula
Ako! Ako! Mamamayan
Ng Perlas ng Silanganan
Ngayo’y namamanatang buong tapang
Anumang paraan ay lalaban
Para sa kalayaan, para sa karangalan
Para sa mga karapatan ng bayan
Kung mga puno’y duwag kumondena
Tumayo! Tumayo!
Tayo ang mag-umpisa
Repeat hook (4x)