Single

Unan (feat. John Roa)


Unan
Because
Producer: Because and NEXXFRIDAY
2017

Pakiramdam ng yong halik

(Nadarama ko pa rin sa aking pisngi, yeah)

Mga mensaheng malambing

(Mga nobela natin bago makatulog sa gabi)

 

Mga larawan mo natago ko pa rin

(Pinagmamasdan pa rin mga ngiti)

Bakit ang hirap tanggalin

Bakit ayokong tanggalin

Kahit na alam ko naman

Na malabo na tayo

 

Na tila salamin na mahamog

Para akong asong nawalan ng amo

Mukhang sa desisyon natin

Ikaw lang ang nanalo di na matatago

Ang hapdi na pinagtatakpan di mapanindigan

Na kunyari hindi nasasaktan

Unan na laging yakap

Sana ay nasa labahan lang

At kinabukasan ay muling mahahagkan

Pagkat hindi ako sanay na wala ka

 

Di pa rin ako sanay na wala ka

Di pa rin ako sanay (di pa, di pa)

Di pa rin ako sanay na wala ka

Di pa rin ako sanay na wala ka

Di pa rin ako sanay, yeah

 

Kahit na pilitin kong limutin na hindi ko magawa-gawa

Ikaw pa rin hanggang ngayon

Ang hirap isipin na ayos ka na

Masaya sa piling ng iba

Iba pa rin pag tayong dalawa

 

Ilang malamig din na gabi ginaw tinitiis

Wala sa bisig kay hapdi

Wala nang pampagising na kаре

Lahat pinagsisisihan ko pa rin

Binabaon mga damdamin na hindi na masambit

Nakakulong lang sa silid na di makabasag-pinggan

Di na magawa ating mga nakagisnan

Na tayo ay nasa loob ng isang sinasapinan

Kahit huling beses sana nama'y pagbigyan na

 

Ayusin, hanapin

Isipin kung bakit ba natin pinili ang isa't isa

Dahil ayaw ko na sa iba

Simula nung nawala ka

Di ko na maalala kung pano ngumiti at tumawa

Kasi nga

 

Di pa rin ako sanay na wala ka

Di pa rin ako sanay na wala ka

Di pa rin ako sanay (di pa, di pa)

Di pa rin ako sanay na wala ka

Di pa rin ako sanay na wala ka

Di pa rin ako sanay (di pa, di pa rin ako sanay)

 

Kahit na pilitin kong limutin na hindi ko magawa-gawa

Ikaw pa rin hanggang ngayon

Ang hirap isipin na ayos ka na

Masaya sa piling ng iba

Iba pa rin pag tayong dalawa



OTHER LYRICS

Magkaisa

Magkaisa
3 Thug Jewels
2015 Single

Moms

...One Rifle Per Family
Bambu
2012 Album

Palagi

Guns and Roses
Shanti Dope
2023 Album

Practice

IDEAL
Curtismith
2016 Album

Babyface

Rowena
Because
2019 Album

FEATURED ARTICLES