MC Spotlight

MC Spotlight: Cobs

Isa sa mga bagong emcee na matunog ngayon sa underground. Kilalanin natin si Cobs!

Anonymous Staff
June 14, 2022


Namulat na siya sa kultura ng hip-hop sa murang edad. Ito dahil sa mga kuya niya na si O’Prime at Dhictah ng Heavenly Host. Hindi nagtagal ay naisipan din niyang magsulat at magrecord ng mga kanta. Ginabayan siya ng mga utol niya nung una pero agad din siyang natutong gumalaw sa sariling paa. Dahil sa kanyang dedikasyon, nakapaglabas siya ng dalawang solidong proyekto nitong pandemya.

Ating alamin ang kwento ng emcee na si Cobs dito sa bagong kabanata ng MC Spotlight. Halos kakasimula palang niya pero gumagawa na ng ingay sa eksena ng underground. Siguradong mabibilib kayo sa storya niya!

1. Kailan ka nag simula mag rap? Malaki ba ang impluwensya ng mga kuya mo?

Syempre malaki ang influence ng dalawang utol ko na si Dhictah at O'Prime at ang mga influences nila sa pagiging rapper ko today. Way back 2000s, nakakapakinig na ako sa mga soundtrip nila katulad ng Pamilia Dimagiba, sila Skarm at Flex ng AMPON, Immortal Tech at marami pang underground artist na kung saan napukaw ang atensyon ko hindi para maging rapper that time pero para mahiligan ang genre na hip-Hop. Pero ang pinaka influence ko sa music ay walang iba kung hindi ang erpats ko na sobrang hilig sa mga jazz song.

2. Ano ang kwento sa emcee name mo na Cobs? 

No explanation needed, nickname ko talaga siya since then. Short for Cobie. Rap name ko talaga dapat ay NoCanDo pero ang rason talaga kaya ako nagpalit ay si Batas, sinabihan niya ako na may rap artist na NoCanDo ang alias sa ibang bansa.

3. Paano nabuo ang grupo mong Bisyonaryos at sino-sino ang mga miyembro nito?

Actually pandemic group 'to, nabuo kami ng 2020. Ang bumuo talaga ay si Dhictah sa kadahilanan na nagpapractice siya mag produce ng beats at kami ni Shrink ang naisip niya na artist para sumalat sa mga iyon. Ang miyembro ng Bisyonaros ay kami ni shrink as emcee at si Dhictah as beatsmith.

4. Dalawa na ang mga nilabas mong proyekto. Yung self-titled EP ng Bisyonaryos at yung solo album mo na "Himig At Pagdurusa". Ano ang mga konsepto nito?

Sa Bisyonaryos EP, free flow lang talaga siya. Batuhan lang kami ng concept. Mostly, may mauuna magsulat ng verse then dun mababase yung isa para atleast hindi malayo yung mga ini-spit pag napakinggan.

HIMIG AT PAGDURUSA - Sa title palang, dito ko hinimay yung mga experience at struggles ko as isang tao na nabubuhay mundong ibabaw. Mapapakinggan sa album yung iba't ibang concept at pakiramdam ng kanta.

5. Paano mo ipapaliwanag ang stilo mo sa pagrarap sa mga taong hindi pa pamilyar sayo? 

Style ko sa pagrarap for now sa tingin ko ay intricate pa, nakakapag adjust ako sa kung anong vibe yung dapat i-theme sa beat. Pag pinakinggan niyo yung mga albums ko, iba't ibang style. May swabehan, may galit, may kalmado at iba pa.

6. Ano ang proseso mo sa pagsulat ng kanta?

Napaka simpleng proseso, beat ang nauuna tapos bumabase talaga ako sa kung pano yung pakiramdam or nararamdaman ko sa beat. No shit pero yung pagsusulat ko is kung ano yung lumabas kusa są isip ko.

7. Ano ang iyong top 3 na album (local at foreign)? Nakatulong ba ang mga ito sa pag-gawa mo ng mga kanta? 

Foreign:

Swimming - Mac Miller

Circle - Mac Miller

Good kid, m.A.A.d city - Kendrick Lamar

Local:

Loob ng Kabaong - Apoc

Critical Condition - Stick Figgas

The Ones Who Never Made It - Loonie

Napakalaking tulong lalo na si Mac sa mga releases niya before siya mamatay kası ganung way ako magsulat, sumusulat ako depende sa kung anong nararamdaman ko sa sarili ko at sa beat.

8. Sino naman ang iyong top 3 na emcee (local at foreign)? Gaya ng tanong sa 7, may naitulong ba sila sa mga bara mo?

Foreign:

- Mac Miller

- Kendrick Lamar

- J. Cole

Local:

-Apoc 

-Loonie

-Batas

Ito kung top 3 emcee ko na kung saan, sakanila ko nakita yung pagiging intricate sa pagsusulat, sa rhyme, sa rhythm, sa flow at sa mga bara.

9. Kabilang ka din sa Ruckus Records. Paano nabuo ang kolektibo na ito at sino pa ang mga artists na kasama?

Nabuo lang ‘to dahil naglabas din yung utol ko na panganay na si O’prime (Pen & Pad) ng EP nitong 2021, naisip namin gumawa ng kolektibo para sa iba’t ibang role at tulungan na din sa mga pag release. 

Ito yung tao sa loob ng kolektibo:

Shrink

Cobs

Dhictah

O’prime

B-Kid 

Shoutout din kay Kaz at Marc Tolentino para sa beats na kasama din sa mga album namin.

10. Ngayong pandemya, ano ang mga pinagkakaabalahan mo?

Syempre committed padin sa music kahit busy, currently have 2 jobs also. Subject Matter Expert sa isang BPO company and International Marketing Partner ng SMDC tapos may small online business din ako which is yung Midnight Booze, nagbebenta aka ng mga imported liquors like Black Label and Jack Daniel's.

11. Para sayo, kumusta ang lagay ng lokal na eksena ngayong pandemya?

Actually alam kong hindi namatay at mas lalong lumakas. I feel na mas nagkaroon ng focus yung mga emcee sa craft nila para makagawa ng makagawa, at masaya at the same time dahil nakakabalik na ang mga live gigs

12. Kumpara sa era ng hip-hop na kinalakihan mo noon, ano ang pinagkaiba nito sa era ngayon? Ano ang mga na-improve nito at mga tingin mong dapat pang iimprove?

Madaming naimprove specifically sa style of writing at flow and madaming mga clout chaser na dahil alam nilang malakas ang hip-hop sinisiksik nila yung sarili for the views.

Improvement? Hindi ko masasabi, pero sure ako na madami pang malakas at magaling na emcee na susulpot at syempre madami ding mga style na bago na mauuso.

13. Aktibo ka bang nanonood ng FlipTop? Sino ang paborito mong battle emcee at ano ang pinaka tumatak na laban sayo?

Simula nung first FlipTop event, nakanuod ako ng live (2010). Paborito kong battle na napanuod ay LA vs SS (Dos Por Dos) at Batas vs Sak Maestro. Paboritong emcee sa FlipTop walang iba kung hindi ang back to back champ BATAS!

14. May balak ka rin bang maging battle emcee o mas gusto mong tumutok lang sa musika?

Sa ngayon, never pa sumagi sa isip ko bumattle pero sure na forever fan ako ng rap battle. Plano ko pa hubugin tung craft ko sa music kaya focus muna siguro.

15. Ano ang mga maaasahan namin sayo sa mga darating na buwan at taon?

Yeah, working ako ulit sa bagong album, bagong atake at himig. Hindi na din ako makapaghintay maiparinig sa inyo. As of now 4 tracks done, plano ko sa album ay 8-10 tracks para sulit sa mga nakikinig.

16. Ano ang maipapayo sa ibang mga nagsisimula palang sa larangan?

Lately ko lang maisip magrap, pero noon pa man ay tagasubaybay talaga ako ng Philippine hip-Hop. Simpleng payo sa mga nagsisimula, manatili sa proseso, gawin niyo lang ng gawin. Basta masaya kayo susunod nalang sa happiness yung success at syempre bigyan niyo ng focus at oras yung mga craft na ginagawa niyo. Hindi nakukuha yan ng overnight.

Mapapakinggan niyo sa lahat ng streaming sites ang solo album niyang “Himig At Pagdurusa” at yung self-titled EP ng Bisyonaryos. Sundan niyo lang ang Facebook page niya upang manatiling updated sa mga paparating niyang proyekto. Kaabang-abang ang mga susunod na plano niya. Suportahan niyo rin syempre ang negoyso kanyang negosyo Midnight Booze. Salamat ulit kay Cobs sa pagpayag na mainterbyu at sana ay tuloy-tuloy lang ang paggawa mo ng musika!



MORE FROM THE AUTHOR

READ NEXT