Chorus:
Puro salita
Kulang sa gawa
Hindi mahalata
Na totoong
Walang himala
Hinahayaan na pasukin ang isipan
Ng mga bagay na walang katuturan
Walang mangyayari kung palaging
Baka sakali nalang
Verse 1:
Nakapikit nang mahimbing
Tila di na magising
Nalulunod sa ligaya dumodobleng paningin
Hanggang di mo mapansin
Ang mundong iyong ginagalawan ay nilalamon ng dilim
Palaging sa huli mo na lahat
Malalaman
Kailangan pang masaktan bago
Matutunan
Ang mga bagay bagay na dapat ay dati pa
Pero di mo ginawa
Mas pinili mong itago ang mga katotohanan
Dulot ay isang bagyo na para bang walang hangganan
Sabihin mo kung nasaan
Ang kinabukasan
Kung wala sa piling mo ang pinagmumulan ng ligaya
Baka di makaya
Ang mga pagdurusa
Humihiling na sana pagkagising ay wala na
Saan paroroon
Pagdating ng panahon
Kung mula noon hanggang ngayon
Repeat chorus
Verse 2:
Di magbabago ang turing ng tao sa isa
Kung ang turing niya sa taong iyon ay di magiiba
Huwag gawin ang ayaw mong gawin nang iba
Huwag matakot na sabihin kung anong nadarama
Hanggang makamit katahimikang hinahanap mo
Ang liwanag sa dilim ay makikita mo
Kailangan lang tanggapin mga kamalian mo
Kung ayaw mong magpatong patong 'to sa ulo mo
Hanggang sumabog nambubulabog
Laging mga banat ay wala sa hulog
Pilitin na pigilin wag kang papasakop
Sarili mo'y nakulong sa
Sarili mong patibong
Sa sarili mo itanong
Kung bakit di napagtanto hanggang ngayon ika'y
Repeat chorus (3x)