Verse 1 (Franchizze):
Alas dos ng umaga, ikaw ay lumuluha
Naghihintay sa kanya, habang iba'ng kayakap nya.
Di ka pa nagsawa. Hindi ba sya naawa.
Kailan mo makukuha? Wag mong sayangin ang iyong nadarama!
Chorus:
Sana kalimutan mo na siya
Napakarami pa naman diyan'g iba..
Ano bang karapatan nya'ng saktan ka?
Aagawin na lang kita sa kanya! Ohh
Sasabihin ko'y ikaw lamang
Hindi kailangan'g magpaalam
Sasabihin ko'y ikaw lamang
At kahit kailan di kita iiwan
Ikaw lamang..
Hindi kita iiwan..
Verse 2 (Franchizze):
Usok at Ginebra.. buo ang mga tropa..
Ikaw ang naalala.. Darating pa ba ang pagkakataon?
Nakatingin sa tala, sana ikaw ay lumigaya
Pero kailan mo makukuha? Wag mong sayangin ang iyong nadarama!
Repeat chorus
Verse 3 (Bustarr):
Minsan naiisip kong bunutin telepono't sabihin kong bahala ka
Tigas ng ulo mo may utang sa sariling alamin ika'y mahalaga
Alis hating gabi, balik nya'y tanghali
Mali ang ugali, ikaw pa nagsabi
Sya daw ang mayari, tas may kalahati
Kaarawan nyo ngayon di ka binati
Halos ako'y insulto na, mahal ka daw, ano ang punto nya?
Huwag mong sabihing naniwala ka
Pakinggan mo minsan pagibig ay parang salamin, mas mabuting di galawin
Mga pirasong basag, masaktan pa kung pulutin
Nais nya daw iyong loob akala mo mabait
Ngunit ang nais nyang loob ay ang loob ng damit... shhh
'Tas ano pang sinabi mo, di ka na nagbago, di mo masarado
Pero laging bukas ang pinto ko sayo
Repeat chorus